Disyembre 26 idineklarang special non-working day
- Published on December 23, 2022
- by @peoplesbalita
IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Disyembre 26, 2022, bilang karagdagang special non-working day sa buong bansa.
Ang deklarasyon ay nakapaloob sa Proclamation No. 115 na inilabas upang “bigyan ang mga tao ng buong pagkakataon na ipagdiwang ang holiday kasama ang kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay.”
Nakasaad din sa proklamasyon na hinihikayat ang mga pamilya sa mas mahabang katapusan ng linggo na magsama-sama at palakasin ang kanilang relasyon tungo sa isang mas produktibong kapaligiran, at magtataguyod ng turismo.
“A longer weekend will encourage families to get together and strengthen their relationship towards a more productive environment, and will promote tourism,” nakasaad sa proklamasyon.
Inutusan ng Pangulo ang Department of Labor and Employment na maglabas ng kaukulang circular para ipatupad ang proklamasyon para sa pribadong sektor.
“A longer weekend will encourage families to get together and strengthen their relationship towards a more productive environment, and will promote tourism,” nakasaad sa proklamasyon.
Inutusan ng Pangulo ang Department of Labor and Employment na maglabas ng kaukulang circular para ipatupad ang proklamasyon para sa pribadong sektor. (Daris Jose)
-
PBBM, nais ang regulated issuance ng protocol license plates
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang regulasyon o alituntunin ng pagpapalabas ng protocol license plates sa mga opisyal ng gobyerno dahil sa tumataas na reklamo sa “unauthorized usage.” Nauna rito, nagpalabas ang Pangulo ng Executive Order (EO) No. 56, inamiyendahan ang EO No. 400 (s. 2005), na pinahihintulutan ang pagtatalaga at pagpapalabas […]
-
Kaya walang rivalry nang i-launch bilang sexy stars… DIANA, MAUI at AUBREY, nagpapasalamat na ‘di pa uso ang social media
KASALUKUYANG naghahanda na ang GMA Kapuso Foundation (GMAKF) para matulungan ang mga apektado ng matinding pagbaha at walang tigil na pag-ulan dahil sa Bagyong Carina. Para sa mga nais na magpaabot ng tulong sa mga apektado sa patuloy na pagragasa ng Bagyong Carina, maaari itong ipadaan sa GMAKF. Maari din magdeposito sa mga bank account […]
-
Grand slam sa Cool Smashers
HUMATAW si American import Erica Staunton ng 29 points mula sa 26 attacks, dalawang aces at isang block, habang may 27 markers si Bernadeth Pons. Nauna nang nagreyna ang Creamline sa nakaraang 2024 All-Filipino Conference kontra sa Choco Mucho at Reinforced Conference laban sa Akari para sa kanilang ‘three-peat’. Ang championship point […]