• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Djokovic hindi na tinapos ang semis ng Australian Open dahil sa injury

NATAPOS na ang paghahangad ni Serbian tennis star Novak Djokovic na makuha ang pang-25 na grand slam title.

Maaga kasi itong nag-retire sa semifinals ng Australian Open dahil sa injury sa kaniyang kaliwang hita.

Tinapos pa ni Djokovic ang unang set laban kay world number 2 na si Alexander Zverev kung saan natalo siya sa 7-6(5) sa laro na tumagal ng isang oras at 21 minuto.

Nagulat na lamang ang mga audience ng magkamayan na ang dalawa hanggang tuluyang umalis na sa court si Djokovic.

Pinasalamatan ni Zverev ang mga nanood dahil hindi sila nagalit kay Djokovic matapos na hindi tinapos ang laro.

Hiniling na lamang nito sa audience ng pagrespeto na lamang kay Djokovic dahil sa binigay nito ang lahat ng makakaya.

Magugunitang nakapasok sa semifinals ng Australian Open si Djokovic matapos na talunin niya si Carlos Alcaraz kung saan nag-medical time out siya dahil sa injury.

Other News
  • PBBM: Wala ng extension ng consolidation para sa PUJs

    SA ISANG pahayag ni President Ferdinand R. Marcos, Jr. kanyang sinabi na wala ng ibibigay na extension ang pamahalaan sa deadline ngayon Dec. 31 tungkol sa consolidation ng mga public utility jeepney (PUJs) upang maging kooperatiba o korporasyon.       “We held a meeting with transport officials and it was decided that the deadline […]

  • Gobyerno, “ALL OUT” laban kay VP Sara

    “ALL OUT” ang gobyerno laban kay Vice President Sara Duterte matapos na magbanta ito na ipatutumba ang First Couple na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos at House Speaker Ferdinand Romualdez kapag may nangyari umanong masama sa kanya.     “I hope people understand that, there is nothing personal about this, […]

  • Ads December 15, 2021