Djokovic nabigyan ng medical exemptions para makapaglaro na sa Australian Open
- Published on January 6, 2022
- by @peoplesbalita
Nabigyan ng medical exemption si Serbian tennis star Novak Djokovic para maidepensa niya ang kaniyang Australian Open title.
Sa kaniyang social media ay inanunsiyo ng world number one na siya ay makakapaglaro sa opening Grand Slam event matapos matanggap ang medical exemption mula sa pagpapabakuna laban sa COVID-19.
Dahil dito ay natapos na ang espekulasyon sa posibleng hindi paglalaro nito sa Australian Open.
Nag-apply kasi ang 34-anyos na si Djokovic ng medical exemption kung saan isa rito ay ang Independent Medical Exemption Review Panel na itinalaga ng Victorian Department of Health.
Mahigpit kasi ang bilin ng Tennis Australia na dapat lahat ng mga lalahok sa torneo ay naturukan na ng COVID-19 vaccines.
Magugunitang hindi ibinubunyag ni Djokovic kung ito nga ba ay naturukan na ng COVID-19 vaccines.
Magsisimula ang torneo sa Enero 17 hanggang 30.
-
Omicron wave sa Amerika, nagsimula nang bumaba
NAGSISIMULA nang bumaba ang omicron wave sa United States sa New York at iba pang malalaking lungsod dito. Ito ay kahit na umabot sa mga “new highs” ang COVID-19 hospitalizations dito batay sa lagging indicator nito. Ang trend ng pagtaas sa mga kaso ng omicron na sinusundan ng parehong mabilis na […]
-
PBBM, hiniling sa mga Pinoy na mahalin ang Pambansang Wika
HINILING ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Filipino na mahalin ang Pambansang wika, binigyang diin ang kahalagahan ng layunin ng bansa na makamit ang pagkakaisa at pangalagaan ang ‘Filipino identity.’ “Ang okasyong ito ay nagsisilbing mahalagang paalala sa atin na mahalin ang wikang Filipino nang bukal sa ating puso at nanggagaling sa kamalayan […]
-
PANDEMIA. HINDI HADLANG SA KAMPANYA LABAN SA SA HUMAN TRAFFICKING- AYON SA BI
HINDI naging hadlang ang nararanasang pandemia na hidi ipagpatuloy ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang kampanya laban sa human trafficking. “As the world observes the World Day Against Trafficking in Persons today, 30 July 2020, we, in the BI, reaffirm and declare our unwavering resolve to combat human trafficking in our ports by […]