Djokovic wagi sa Wimbledon, nasungkit ika-21 Grand Slam
- Published on July 12, 2022
- by @peoplesbalita
NATALO ni Novak Djokovic ng Serbia si Nick Kyrgios ng Australia, 4-6, 9-3, 6-4,7-6 (3) para masungkit ang kanyang ika pitong Wimbledon Men’s Title at ika-21 Grand Slam Crown.
Sa panalo ni Nadal kagabi, naungusan na niya si Swiss tennis superstar Roger Federer sa bilang ng mga naipanalong majors. Isang grand slam title nalang ang kulang ni Djokovic para maitabla ang all time record ni Rafael Nadal na 22 major titles.
Sinabi ng No. 3 ranked player na ang titulong naipanalo niya sa London ay namumukod sa iba niyang mga panalo.
“I’m lost for words for what this tournament and this trophy means to me,” sabi ni Djokovic. “It always has been and will be the most special one in my heart.”
Binigyan din ng papuri ng Wimbly champ and kanyang katunggali matapos ang kanilang laban.
“You showed you deserved to be the best player in the world, especially on this surface. After the tournament, I wish you all the best.”
Umabante si Djokovic papunta sa finals matapos niyang talunin si Cameron Norrie sa semi finals 2-6, 6-3, 6-2, 6-4 habang nakamit naman ni Kyrgios ang kanyang kauna unahang Wimbledon finals matapos umatras si Nadal sa kanilang laro dahil sa abdominal tear.
‘Nole! Nole’
Ganyan ang narinig ni Djokovic sa match point ng finals, ilang sandali bago niya makamit ang ika-pitong titulo sa London.
Maganda ang naging simula ni Kyrgios sa laban. Nakapagtala ang Austaralian ng pitong aces tungo sa 6-4 na panalo sa first set.
Mula doon, hindi na nagpatinag ang 21-time Grand Slam champion.
Naipanalo ni Djokovic ang isang 23-shot rally sa ikatlong laro ng second set at daliang kinuha ang ikaapat para lumamang ng 3-1.
Naitabla ng magiging kampyon ang finals matapos palampasin ni Kyrgios ang pagkakataong pataubin ang Serbian sa kanyang serve.
Nakapagtala lamang ng dalawang unforced error si Djokovic sa buong laban kumpara sa 33 ni Kyrgios, na mistulang nagugulo ng mga manonood, para manalo sa kompetisyon.
-
ANGEL, inamin na tropa lang at hindi talaga nagka-crush kay NEIL; excited na sa pagbuo ng sariling pamilya
DESISYON talaga ni Angel Locsin na mag-lie low muna sa kanyang showbiz career para naman mapaghandaan ang nalalapit na kasal nila ng film producer na si Neil Arce. Katatapos lang ng public service program niya na Iba Yan! sa Kapamilya Channel na umabot naman ng isang taon, kaya mas marami na siyang oras […]
-
Increasing HPV vaccine access to reach cervical cancer elimination goals highlighted in 12th HPV Summit
Patient groups, health experts, the academe, public sector and healthcare companies have collectively communicated the need to increase access to human papillomavirus (HPV) vaccines among teenage girls during the 12th HPV Summit titled “One Community Against HPV”. The Summit also highlighted that HPV immunization as a preventive measure is integral as the Philippines […]
-
LTO, nangangailangan ng P6.8 bilyong piso para maresolba ang problema sa backlog ng plaka
TINATAYANG aabot sa P6.8 bilyong piso ang kailangang pondo ng Land Transportation Office (LTO) para matugunan ang usapin sa isyu ng kakulangan sa plaka. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni LTO OIC Atty Romeo Vera Cruz na malaki ang kanilang backlog lalo na sa motorsiklo. Sinabi pa ni Vera Cruz, […]