DND, pinalagan ang pahayag ng China na ginagatungan ng Pinas ang tensyon sa Taiwan
- Published on April 18, 2023
- by @peoplesbalita
PINALAGAN ng Department of National Defense (DND) ang naging pahayag ni Chinese Ambassador Huang Xilian na ginagatungan ng Pilipinas ang geopolitical tensions sa pamamagitan ng pag-alok sa Estados Unidos ng military bases nito malapit sa Taiwan.
“The Department of National Defense takes exception to the statement of Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian that the Philippines is meddling in the internal affairs of China concerning Taiwan,” ayon kay DND spokesperson, Arsenio Andolong sa isang kalatas.
Sa hiwalay na kalatas, nilinaw naman ni National Security Council spokesperson Assistant Director General Jonathan Malaya na “the Philippines has no intention of interfering in the Taiwan issue and will not allow itself to be used by other countries to interfere in the said issue.”
“[W]e take grave exception to any effort by guests in our country to use this to fearmonger and intimidate us,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, kinokonsidera ng China ang Taiwan bilang bahagi ng teritoryo nito, na naglalayon bawiin sa pamamagitan ng puwersa kung kinakailangan.
Pinayuhan ng China ang Pilipinas na tutulan ang kalayaan ng Taiwan sa halip na mag-alok sa US ng access sa mga pasilidad nitong militar malapit sa Taiwan strait.
Ito ay ang sinabi ni Huang sa kung pinangangalagaan ng Pilipinas ang 150,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa Taiwan.
Mayroon kasing mahigit 150-K na mga Pinoy ang nagttrabaho sa Taiwan na maaari umanong masangkot sa nagaganap na tension ng dalawang nagbabangayang lugar.
Inihalimbawa ng ambassador ang issue sa Mindanao na hindi dapat hayaan ang sinumang third party na makialam sa pagresolba sa mga issue ng mga rebelde sa Mindanao, gayundin din aniya ang sitwasyon ngayon sa Taiwan.
Sinabi naman ni Andolong na ang pangunahing alalahanin sa Taiwan ay ang kaligtasan at kapakanan ng mga Filipinong naninirahan at nagtatrabaho sa nasabing isla.
“The Philippines observes the One China Policy and maintains the ASEAN principle of non-interference in approaching regional issues. We reiterate that our primordial concern in Taiwan is the safety and wellbeing of the Filipinos living and working on the island,” ani Andolong.
“Amid the tensions in the Cross Straits, however, the department deems it prudent to prepare for any contingencies to ensure the safety of Filipinos overseas, especially those based in Taiwan,” dagdag na wika ni Andolong.
Hindi naman nagustuhan ng DND ang ginawang paghahambing ni Huang sa sitwasyon sa Taiwan sa insurgency problem sa Mindanao.
“We wish to emphasize that the issues are different from each other,” ayon kay Andolong.
“The whole context and rich experience of our peace process in Mindanao, which allowed the participation of the international community (Malaysia, the EU, Turkey, Japan, Brunei, Australia, Sweden, Norway, the UK, Germany, UN organizations, JICA, and other international organizations), is aligned with the Philippines’ position of resolving disputes peacefully,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)
-
PBBM, ipinag-utos ang Whole-Of-Gov’t Approach para palakasin ang bagong maritime program
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang whole-of-government approach para palakasin ang bagong maritime industry program, nakikitang makapagdadala ng mahalaga at matibay na economic growth sa bansa. Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos sa idinaos na Philippine Maritime Industry Summit 2023, sinabi ng Pangulo na sakop ng bagong programa, tinawag na Maritime […]
-
Ex-Ozamiz Councilor Ardot Parojinog, patay na nang madiskubre sa selda
Inaalam ngayon ng pulisya kung ano ang dahilan sa naging kamatayan ng kontrobersyal na umano’y nasa likod ng organized illegal drug syndicate na si detained former Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog sa loob ng kanyang selda sa Ozamiz City, Misamis Occidental. Ito ay matapos kinumpirma ni Police Regional Office-10 spokesperson Lt. Col. Mardi […]
-
MAGKAKASAMANG binuhat nina Malabon Zoo owner Manny Tangco
MAGKAKASAMANG binuhat nina Malabon Zoo owner Manny Tangco, mga kawani ng Malabon Bureau of Fire Protection (BFP) at isang lalaki na naka-costume Spiderman ang isang malaking Albino Python na si “Cheesecake” bilang bahagi ng paggunita ng World Wildlife Day, kasabay ng Fire Prevention Month. Nagpaalala naman ang BFP na huwag kalimutan ang mga hayop tuwing […]