• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DND, pinutol na ang kasunduan sa UP na nagbabawal sa PNP at AFP sa mga campuses nila

Pinutol na ng Department of National Defense (DND) ang 31-taon na kasunduan sa University of the Philippines (UP) na pagbabawal sa mga pagpasok ng mga kapulisan at kasundaluhan sa mga campuses kapag walang koordinasyon sa mga opisyal ng unibersidad.

 

Sa sulat ni DND Secretary Delfin Lorenzana kay UP President Danilo Concepcion, sinabi ito na ang nasabing desisyon ay bunsod sa mga natanggap nilang ulat na may mga komunista ang nanghihikayat umano sa mga estudyante na sumapi sa kanila.

 

Kailangan aniyang isakprisyo ang mahigit na tatlong dekada na kasunduan para mailigtas ang mga mag-aaral sa itinuturing na kalaban ng gobyerno.

 

Isa aniyang hadlang ang nasabing kasunduan para makapagbigay ng seguridad at kaligtasan sa mga mag-aaral.

 

Mayroon aniyang mga UP students na sumasapi sa Communist Party of the Philippines at New People’s Army kung saan ang iba sa kanila ay napapatay sa military operations.

 

“By reason of national security and safety of Up students, this Department intends to remedy this situation by terminating or abrogating the existing “Agreement” in order for us to perform our legal mandate of protecting our youth against CPP/NPA recruitment activities whose design and purpose is to destroy the democracy we have all fought for,” bahagi pa ng sulat. “The Department of National Defense only wants what is best for our youth. Let us join hands to protect and nurture our young people to become better citizens of our great nation.”

 

Ang nasabing kasunduan ay inilunsad noong June 1989 sa ilalim ni dating Pangulong Corazon Aquino na nagbabawal sa mga militar at police na basta pumasok sa mga campuses ng UP ng walang paalam sa university administration. (ARA ROMERO)

Other News
  • PhilHealth record, puno ng ‘super centenarians’ at ‘minor senior citizens?’

    Hindi napigilan ng ilang senador na mairita sa palpak na record at iba pang anomalya sa PhilHealth na lumitaw sa ikalawang araw ng pagdinig sa mataas na kapulungan ng Kongreso.   Lumutang din sa pagtatanong ni Sen. Francis Tolentino ang isyung may ilang benepisaryo na maituturing nang “super centenarian” dahil umaabot ang mga ito sa […]

  • Eleksiyon 2022, mapayapa sa pangkalahatan

    NAGING mapayapa sa pangkalahatan ang pagdaraos ng 2022 national and local elections (NLE) sa bansa.     Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ‘gene­rally peaceful’ ang kanilang assessment sa May poll situation, sa simula pa lang ng election period noong Enero 9 hanggang aktuwal na araw ng halalan […]

  • Bumida sa Warriors vs Cavs Thompson ‘di kinalawang

    MATAPOS ang dalawang taon ay muling nasilayan sa aksyon si Klay Thompson.     Nagsalpak si Thompson ng 17 points kasama ang tatlong three-point shots sa 96-82 pagdomina ng Golden State Warriors sa Cleveland Cavaliers para tapusin ang kanilang dalawang dikit na kabiguan.     Muling sumosyo ang Warriors (30-9) sa Phoenix Suns para sa […]