DOBLE-INGAT VS SUNOG
- Published on March 3, 2020
- by @peoplesbalita
“MATUTO ka, Sunog Iwasan Na.” Ito ang tema ngayong taon ng Fire Prevention Month.
Pumasok na ang buwan ng Marso kung kailan mas maraming naiuulat na insidente ng sunog. Kasabay ng pagsisimula ng tag-init ay panahon na mas maraming appliances ang ginagamit hanggang sa ang iba ay nakaliligtaang nakabukas.
At tuwing may insidenteng ganito, palagi normal nang naririnig na, “Okay lang ‘yan. Ang mahalaga ay buhay tayo. ‘Yung gamit napapalitan.”
Tama nga naman. Pero, hindi ba mas okay sana kung naiiwasan nating magkasunog? At bakit kahit paulit-ulit na itong nagaganap, hindi pa rin natututo ang karamihan sa atin?
Simulan natin sa bahay, maging responsable sa paggamit ng appliances. Regular na i-tsek ang mga kable ng kuryente at ipaliwanag sa mga bata ang panganib ng paglalaro ng mga bagay na puwedeng pagmulan ng apoy.
Kadalasan sa mga bahay ng informal settlers o ‘iskwater’ ay sala-salabat ang mga wire, may ilang makakapal pa rin ang mukha na iligal ang koneksiyon ng kuryente, may mga magulang na hinahayaan ang mga bata na maglaro ng kung anu-ano, at ang matindi, may insidente pa rin na ikinakandado ang mga paslit sa loob ng bahay, na walang kalaban-laban sa tuwing nagkakasunog.
Maraming pagkakataon na masasabing aksidente o hindi natin kontrolado, pero sa mga bagay na puwede naman sanang maiwasan ay gawin na natin, alang-alang sa buhay at kapakanan ng lahat.
Malaking bagay na may social media, mas mabilis na makararating ang anumang impormasyon o mga babala.
Muli, sa mga nakaranas nang masunugan, sana, natuto na tayo at sa mga hindi pa, dagdagan pa ang pag-iingat para palaging makaiwas.
-
Kahit wagi sa prelim bout, Nesthy Petecio, ‘di papakampante sa face off nila ng Chinese-Taipei boxer bukas – coach
Nakahanda na ang “Davao pride” na si Nesthy Petecio na makaharap ang world’s number 1 na si Ling Yu Ting mula-Chinese Taipei para sa Women’s Featherweight Category. Ito’y matapos niyang talunin kahapon si Marcelat Sakobi Matshu ng Democratic Republic of the Congo sa pamamagitan ng unanimous decision o 5-0 na score mula sa […]
-
Paul George nakaranas ng anxiety at depression sa NBA bubble
Ibinunyag ni Los Angeles Clippers star Paul George na dumanas ito ng depression at anxiety habang nasa loob ng NBA bubble. Isinagawa nito ang pahayag matapos talunin ng Clippers ang Dallas Mavericks 154-111 sa Game 5 ng first round ng NBA playoffs. Dagdag pa nito na na-underestimate niya ang kaniyang sarili kaya nakaranas […]
-
Konami Confirms A New ‘Silent Hill’ Movie, Reviving Franchise
KONAMI is reviving the Silent Hill franchise with a full lineup of exciting titles fans could look forward to! The Silent Hill Transmission streamed today, running for 48 minutes and unwrapping multiple announcements including new games, a new movie, and a Silent Hill 2 remake. Watch the full video and check out the list […]