• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Doctor’s fee isasama sa medical assistance ng PCSO

 

TARGET ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na isama na sa medical assistance ang pagbabayad sa professional fee ng mga doktor.

 

Ayon kay PCSO general manager Mel Robles, hindi naman buo kundi bahagi lamang ng professional fee ng doktor ang pinag-aaralan ng kanilang hanay na isama sa medical assistance.

 

Ayon kay Robles, nakadepende ito kung kakayanin ng budget ng PCSO. Pangarap aniya ng PCSO na wala na sanang bayaran ang mga pasyente.

 

Sinabi pa ni Robles na sakaling hindi agad na mabayaran ang doktor, maaari naman ang promisory note.

 

Pagsusumikapan aniya ng PCSO na agad na mailabas ang guarantee letter para mabayaran ang mga doktor.

 

Una nang nanawagan si House Committee on Appropriations chairman at Ako-Bicol party-list Rep. Zaldy Co na sagutin na ang bayad sa doktor para sa mga mahihirap na pasyente.

 

“We cannot have a system that is delayed in paying doctors. We need to ensure that our doctors are paid on time,” pahayag ni Co.

 

“If the doctors are paid immediately, more medical professionals would be willing to help under MAIPP. Payment delays should not be obstacles in serving our countrymen,” dagdag ni Co.

Other News
  • PDu30, inaasahan na magdedesisyon sa Abril ukol sa quarantine restriction

    INAASAHAN na magdedesisyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa buwan ng Abril kaugnay sa muling pagbubukas ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapaluwag ng quarantine restrictions.   Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay makaraang ianunsyo ni Pangulong Duterte na siya ay mapangahas na bigyang daan ang muling pagbubukas ng ekonomiya […]

  • PBBM namahagi ng cash aid sa mga mangingisdang Navoteño

    NAKATANGGAP ng P7,500 cash assistance ang mga rehistradong mangingisda sa Navotas mula kay Pangulong Bongbong Marcos, kasabay ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong Septembre 13.     Ang P43,415,000 na pondo sa ilalim ng Presidential Assistance to Fisherfolks Affected by Oil Spill ay ipapamahagi sa humigit-kumulang 4,000 Navoteñong mangingisda na nakikibahagi sa small and medium-scale […]

  • JOMARI, umaming si ABBY ang ‘lucky charm’ at maraming naiturong tama sa buhay niya

    NATANONG si Jomari Yllana na muling tatakbo para sa ikatlong termino bilang Konsehal ng 1st District ng Paranaque, tungkol sa patuloy na pangmamaliit sa mga artistang gustong maging public servant.     Kuwento ni Joms, “Bata pa lang ako naririnig ko na ‘yan, ‘artista lang ‘yan!’ Actually, noong panahon ng Guwapings pa lang, naaalala ko […]