• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOE, nanawagan nang mabilis na rollout ng electric vehicles

NANAWAGAN ang Department of Energy (DOE) para sa mas mabilis na rollout ng electric vehicles sa bansa para mabawasan ang pagsandal nito sa fossil fuels.

 

 

“The shift to EVs is expected to reduce the country’s dependence on imported fuel and to promote cleaner and energy-efficient transport technologies,” ang pahayag ng DOE sa isang kalatas.

 

 

Layon ng DOE ay maglunsad ng  2,454,200 electric vehicles, kabilang na ang mga kotse, tricycles, at motorsiklo, upang makatulong na mailigtas ang kapaligiran at makalikha ng investments para sa bagong industriya  sa  2028.

 

 

Ayon sa  DOE,  ang panawagan para sa mabilis na  pag-rollout sa mga  electric vehicles ay bilang pagsuporta sa inisyatiba ng Electric Vehicle Industry Development Act na lumikha ng  kaaya-ayang kapaligiran para sa development ng  electric vehicles sa bansa.

 

 

Para naman sa Department of Transportation, ginagawa na nito ang roadmap para sa paglipat ng transport sector sa electric vehicles.

 

 

Kinokonsidera naman ng DOTr ang pagbibigay ng tax incentives at soft loans sa mga transport operators upang sa gayon ay matulungan ang mga ito na lumipat sa electric vehicles. (Daris Jose)

Other News
  • Joo Won is ‘Carter’, A Man with no Memory, but has one Mission

    THROWN into a mysterious operation, “Carter” must reclaim his identity and successfully complete his mission on time in this one-scene, one-cut action film.     Watch the teaser below:     About CARTER:     Carter is an action film directed by Jung Byung-Gil (The Villainess, Confession of Murder) starring Joo Won.     “Your […]

  • Gilas Pilipinas inilabas na ang schedule sa 2021 Asia Cup

    Inilabas na ng FIBA ang mga schedule para sa 2021 Asia Cup na gaganapinsa Clark City mula Hunyo 16-20, 2021.     Unang makakasabak ang Gilias Pilipinas laban sa South Korea sa Hunyo 16, 2021.     Susundan na makakaharap nila ang Indonesia sa June 19 at muling haharapin ang South Korea sa June 20. […]

  • Target na 200-M COVID-19 vaccinations ng Amerika, naabot na

    Masayang inanunsyo ni United States President Joe Biden na naabot na ng kanyang administrasyon ang target nito na mabakunahan ang 200 milyong Amerikano laban sa coronavirus disease.     Inanunsyo ni Biden na 200 milyong mamamayan na ng Amerika ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine sa loob lang ng 100 araw nito bilang pinuno.     […]