• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: ‘Arcturus’ cases sa bansa nadagdagan ng 3; local transmission mukhang posible

NADAGDAGAN pa ng tatlong kaso ng mas nakahahawang Omicron subvariant XBB.1.16  o Arcturus ang nakita sa Pilipinas — ito ipinagpapalagay ng Department of Health na meron na nitong “local transmission” sa bansa.

 

 

Lumalabas sa pinakabagong COVID-19 biosuriellance report mula ika-26 ng Abril hanggang ika-6 ng Mayo na nanggaling sa Western Visayas ang mga nabanggit.

 

 

Kaugnay nito, na-detect din ang 197 pang bagong kaso ng Omicron subvariants.

 

 

Naitala ang unang kaso ng Arturus sa bansa mula sa probinsya ng Iloilo, bagay na magaling na sa ngayon.

 

 

Una nang sinabi ng World Health Organization na bagama’t maaaring kumalat nang husto ang Arcturus sa iba’t ibang bahagi ng daigdig dahil sa estimated growth advantage nito at abilidad na matakasan ang immune system. Sa kabila niyan, wala pa anumang sinyales na mas malala ang sintomas nito.

 

 

Abril lang nang ideklara ito bilang “variant of interest” ng WHO matapos ang tuloy-tuloy nitong pagkalat.

 

 

“With regard to the Arcturus cases, it is likely that XBB.1.16 is in local transmission since there is an increasing number of cases of the variant with no linkages to international cases or no known history of exposure,” sabi ng DOH sa hiwalay na pahayag.

 

 

“With that, the DOH reiterates that COVID-19 is here to stay and we must continue to learn and live with the virus. Hence, certain measures and protocols must be in place to help mitigate virus transmission and mutation.”

 

 

Patuloy na nagpapakita ng pagtaas ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakaraang linggo matapos makapagtala ng halos 1,533 kaso kada araw simula pa ika-10 ng Mayo, bagay na 75% na pagtaas mula noong nakaraang linggo.

 

 

Halos kapareho daw ito ng mga naiulat na kaso noong ika-11 ng Hulyo 2022 kung kailan may 1,507 arawang kaso.

 

 

Sa kabila nito, pinakalma naman ng DOH ang publiko at sinabing karaniwang “mild” pa rin ang sintomas ng Arcturus. Ineengganyo pa rin ng kagawaran ang lahat ng kumuha ng COVID-19 at magpa-booster shots bilang pinakaepektibong pananggalang sa sakit.

 

 

“In general, COVID-19 exhibits flu-like symptoms such as fever, cough, fatigue, loss of taste or smell, sore throat, headache, body pain, diarrhea – among others,” sabi ng DOH.

 

 

“Even so, with that, the DOH further reminds the public to continue applying our layers of protection such as wearing of masks, isolating when manifesting symptoms, and ensuring good airflow to remain protected against the virus.”

 

 

Umabot na sa 4.1 milyon ang tinatamaan ng COVId-19 sa Pilipinas simula nang makapasok ito sa bansa noong 2020. Sa bilang ‘yan, aktibong infections pa ang 13,964. Sa kasamaang palad, patay na ang 66,453 sa kanila.

Other News
  • 11 Gilas members para sa FIBA Asia Qualifiers ipinakilala na

    INANUNSIYO na ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang 11-player roster na sasabak sa ikatlong window ng FIBA Basketball World Cup 2023 Asian Qualifiers.     Itinalagang team captain ng national basketball team si Gilas Pilipinas veteran Keifer Ravena.     Si Ravena kasi ang itinuturing na mas maraming karanasan na naglaro noong 2019 World […]

  • PBBM kinilala ang manggagawa, magsasaka sa National Heroes’ Day

    KINILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magsasaka at mga manggagawang Filipino na tinawag niyang mga makabagong bayani ng kasalukuyang panahon.     Sa kanyang talumpati sa paggunita ng National Heroes’ Day sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City, sinabi ni Marcos na naging mas mabuti ang kalagayan ng bansa sa ngayon […]

  • Wanted sa murder huli sa manhunt operation sa Malabon

    NALAMBAT ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation ang isang delivery rider na wanted dahil sa kasong murder sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong akusado na si Jomael Pagyunan, 42, delivery rider at residente ng No. 45 Doña Ata, Constantino St. Brgy. Baritan. […]