DOH AT POPCOM NAGKASUNDO SA FAMILY PLANNING
- Published on December 10, 2022
- by @peoplesbalita
LUMAGDA ng kasunduan sa pangunguna ni Department of Health (DOH) – Ilocos Region and Population Commission (PopCom) – Region 1 Regional Directors Paula Paz M. Sydiongco at Erma R. Yapit upang palakasin ang family planning (FP) services sa Ilocos Region sa isinagawang Family Planning Awarding Ceremony na ginanap sa San Juan, La Union .
Sa ilalim ng Memorandum of Agreement (MOA), layon ng nasabing mga ahensya na pagbutihin ang polisiya at program environment at local level upang matiyak ang unibersal na access sa responsableng pagiging magulang at mga family planning information services lalo na sa mga marginalized sectors.
Sa pagpapatupad ng family planning program sa rehiyon, ang regional offices ay patuloy sa kanilang capacity building programs para sa health care workers mula sa ibat-ibang munisipalidad sa pamamagitan ng family planning competency-based training para sa FP counselors sa rehiyon.
Tiniyak ni Regional Director Erma R. Yapit na ibibigay ng PopCom ang kanilang full support at available resources kabilang ang technical assistance sa DOH regional office.
sa paghahatid ng tungkulin at responsibilidad nito na umakma sa mga serbisyo ng RPFP ng departamento ng kalusugan. GENE ADSUARA
-
4 arestado sa baril, granada at shabu sa Caloocan
SA kulungan ang bagsak ng apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos makupiskahan ng baril, granada at higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong alas-10:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba […]
-
SSS pandemic relief at restructuring program, tapos na
OPISYAL nang nagtapos ang Short-Term Member Loan Penalty Condonation Program (STMLPCP) o Pandemic Relief and Restructuring Program 5 (PRRP 5) ng Social Security System (SSS), araw ng Sabado, Mayo 14. Ang PRRP 5, nagsimula noong Nobyembre 15, 2021, ay programang pinlano para bigyan ng financial relief ang mga pandemic-hit SSS members. […]
-
Navotas mega projects, binisita ng potential investors
NAKIPAGPULONG sina Mayor Toby Tiangco, Cong. John Rey Tiangco at mga kinatawan ng San Miguel Corporation sa mga potential investors. Binisita ng grupo ang mga site ng 343-hectare Tanza Airport Support Services at 73.3-hectare Navotas Coastal Development. Iprinisinta din Mayor Tiangco mga disenyo ng Palafox Associates para sa mga naturang mega […]