• October 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH AT POPCOM NAGKASUNDO SA FAMILY PLANNING

LUMAGDA ng kasunduan sa pangunguna ni  Department of Health (DOH) – Ilocos Region and Population Commission (PopCom) – Region 1  Regional Directors Paula Paz M. Sydiongco at Erma R. Yapit upang palakasin ang family planning    (FP) services sa Ilocos Region sa isinagawang  Family Planning Awarding Ceremony na ginanap sa San Juan, La Union .

 

 

Sa ilalim ng Memorandum of Agreement (MOA), layon ng nasabing mga ahensya na pagbutihin ang polisiya at program environment at local level upang matiyak ang unibersal na access sa responsableng pagiging magulang at mga family planning information services lalo na sa mga marginalized sectors.

 

 

Sa pagpapatupad ng family planning program  sa rehiyon, ang regional offices ay patuloy sa kanilang capacity building programs para sa health care workers mula sa ibat-ibang munisipalidad sa pamamagitan ng family planning competency-based training  para sa FP counselors sa rehiyon.

 

 

Tiniyak ni Regional Director Erma R. Yapit na ibibigay ng PopCom ang kanilang full support  at available resources kabilang ang  technical assistance sa DOH regional office.

 

 

sa paghahatid ng tungkulin at responsibilidad nito na umakma sa mga serbisyo ng RPFP ng departamento ng kalusugan. GENE ADSUARA

Other News
  • Mandatory vaccination sa mga workers simula na sa Dec. 1 – Roque

    Sisimulan na ang gagawing mandatory sa vaccination sa mga on-site employees sa public and private sectors na may sapat na supply ng bakuna sa pagpasok ng buwan ng Disyembre.     Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito ay matapos na aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga […]

  • Taliwas sa bali-balitang nag-react sa kanyang look: Pagganap ni BEA sa ‘Start-Up PH’, approved sa mga Korean producers

    ITINANGGI na nga ng isa sa executive ng GMA Entertainment Group ang akusasyon ni Manay Lolit Solis na nag-react daw ang Korean producers ng “Start-Up’ sa look ni Bea Alonzo na bidang babae sa Pinoy adaptation ng serye.     Ayon Vice President for Drama Production na si Ms. Cheryl Ching-Sy, “it is not true. […]

  • Huling Comelec presidential, VP debates hindi na itutuloy

    HINDI NA matutuloy ang huling PiliPinas Forum 2022 na inihanda ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa maraming conflicts sa schedule ng mga presidential at vice presidential candidates dulot ng unang postponement ng mga debate na nakatakda sana noong weekend.     Biyernes lang nang sabihin nina presidential at VP candidate Sen. Panfilo Lacson at […]