DOH: Bagong COVID-19 cases sa PH, 3,564; total count, 342,816
- Published on October 14, 2020
- by @peoplesbalita
AABOT sa mahigit 3,000 bagong kaso ng COVID- 19 ang nadagdag sa listahan ng Department of Health (DOH).
Ngayong araw, 3,564 ang additional cases, kaya umakyat pa ang total sa 342,816.
Ayon sa ahensya, 13 laboratoryo ang bigong mag-sumite ng kanilang report sa COVID-19 Data Repository System.
Mula sa mga bagong kaso ng sakit, 90% o 3,197 ang nagpositibo sa nakalipas na 14 na araw.
Pinakamarami pa rin ang galing sa National Capital Region, na sinundan ng Region 4A at Region 6.
May ilan din na noong pang Marso hanggang Agosto nagpositibo pero kahapon lang nai-report ng mga laboratoryo.
Sa ngayon, may 43,332 pa na mga aktibong kaso ang nagpapagaling.
Ang total recoveries, umakyat din sa 293,152 dahil sa 150 na nadagdag sa listahan. Habang 11 ang additional sa total deaths na ngayon ay nasa 6,332.
Nagtanggal ang DOH ng 89 duplicates mula sa total case count, at 71 sa mga ito ang mula sa tally ng mga gumaling.
Samantalang dalawang recovered cases ang pinalitan ng tag- ging matapos matukoy sa validation na lahat sila ay patay na. (Ara Romero)
-
Malawakang bakunahan sa transport sector, aarangkada na
Aarangkada na simula sa darating na araw ng Sabado, Hulyo 31 ang malawakang pagbabakuna sa lahat ng mga driver, konduktor at iba pang transport workers bilang bahagi ng vaccination for transport workers program ng Department of Transportation, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Office of Transport Cooperatives (OTC) Ang pagbabakunang ito […]
-
Clippers nananatiling paborito na manalo laban sa Nuggets
Nananatili pa ring pinipili ng mga basketball experts at bettors na manalo ang Los Angeles Clippers laban Denver Nuggets sa Game 4 nila sa Western Conference Semifinals. Ito ay matapos na hawak ng Clippers ang 2-1 na kalamangan sa serye nila ng Nuggets. Ilan sa mga nakitang maaaring kakulangan ng Nuggets ay ang […]
-
Pagdanganan sumuporta sa panalo ni Saso sa US
BIGONG mag-qualify si Bianca Isabel Pagdanganan sa 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 13th leg, $5.5M (P262M) 76th U.S. Women’s Open Golf Championship sa The Olympic Club sa San Francisco, California na pinanlunan ng kaibigan niyang si Yuka Saso nitong Linggo (Lunes sa Pilipinas). Ganunpaman, nagsadya pa ang LPGA sophomore pro sa […]