• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH, hinikayat ang publiko na ” to stay cool, hydrated” sa gitna ng nagpapatuloy na matinding init ng panahon

ANG paghahanap ng mga praktikal na paraan para manatiling “cool at hydrated” ay makatutulong sa publiko habang nagpapatuloy ang mainit na panahon hanggang sa susunod na buwan.
Sa press briefing ng Task Force El Niño, binigyang-diin ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang kahalagahan ng pananatiling “hydrated.”
Kaya nga, mabilis na nagpayo si Herbosa kontra sa makailang ulit na pagligo sa isang araw.
“Hindi ko ma-recommend ‘yan. Mauubos naman yung tubig para sa tubigan, mawawalan tayo ng pagkain. Ang payo ko talaga is to conserve water,” ayon kay Herbosa.
Bilang tip, inirekumenda ni Herbosa ang pagdaragdag ng isang pinch o kurot ng asin sa inuming tubig para itaas ang electrolytes sa katawan at mapigilan ang cramps dahil sa dehydration.
Ang isa pang tip mula sa Kalihim ay regular na magdala ng isang atomizer o spritzer na may tubig para i-spray sa mukha at iba pang bahagi ng katawan para i- hydrate at panatiling ‘cool’ ang balat.
Inulit naman ni Herbosa na ang mga kabataan, may edad na 50 at pataas, mga taong nagta-trabaho sa kalsada at iyong mga kasama sa recreational sports ay “at high risk” na dumanas ng “exposure illnesses” kapag ang heat index ay tumaas sa 50.
Winika nito na ang critical hours sa araw ay mula alas-10 ng umaga hanggang 4 ng hapon kapag ang heat cramps at heat exhaustion ay nangyari na maaaring mauwi sa heat exhaustion at maging ang pagkamatay kapag hindi kaagad nagamot.
Other News
  • SANYA, masuwerteng napili bilang kapalit ni MARIAN

    SI Sanya Lopez nga ang napili ng GMA Network bilang kapalit ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, after nitong tanggihan ang teleseryeng First Yaya na pagtatambal sana nila ni Gabby Concepcion.   Dahil sa pandemya, wala ngang nagawa si Marian kundi mag-beg off na lang ang serye na aminadong gustung-gusto niyang gawin.   Pero dahil […]

  • Task Force na sisilip sa mga nangyayaring pangungurakot sa lahat ng government offices

    DAHIL na rin sa nakitang magandang resulta sa ginawang pagbuo ng Task Force PHILHEALTH ay nagpasiya si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magtatag ng Task Force na sisilip naman sa mga nagaganap na katiwalian sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.   Sa katunayan ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay kagyat na binigyan ng direktiba […]

  • Ernie Gawilan ng PH nagtapos sa ika-6 na puwesto sa Paralympics freestyle swimming finals

    Bigo si Ernie Gawilan na makakuha ng medalysa sa 2020 Tokyo Paralympics men’s freestyle 400-meter-S7 finals.     Nagtapos si Gawilan sa ika-anim na puwesto mula sa walong finalists sa oras na 4:56.24.     Ito ay 25.18 seconds behind kay Mark Malyar ng Isarel na nakakuha ng gold sa naturang tournament.     Nakagawa […]