• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DoH, ia-anunsyo ang alert level sa NCR sa Oktubre 1

ANG Department of Health (DOH) ang maga-anunsyo sa Oktubre 1 kung mananatili o babaguhin ang COVID-19 alert level sa National Capital Region (NCR).

 

Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea De Guzman na sila ang magde-desisyon kung pananatilihin ang NCR sa ilalim ng Alert Level 4 o ibaba ang classification nito.

 

Ang NCR ay kasalukuyang nasa moderate risk para sa COVID-19.

 

Base sa ginawang monitoring ng DoH, ang mga bagong kaso sa rehiyon ay bumaba ng 13% sa nakalipas na dalawang linggo subalit ang average daily attack rate (33.98 kaso kada 100,000 populasyon) at ICU utilization (76.22%) ay nananatili naman sa high risk.

 

“Kung ito pong mga numerong ito ng NCR ang ating pagbabasehan, tayo po ay posibleng manatili pa sa Alert Level 4. Subalit ang mga metrics at ating mga numero ay tuloy-tuloy po nating pag-aaralan,” ayon kay De Guzman.

 

“We need to look at not one or two metrics but several for us to have a better picture and understanding of the COVID-19 situation — cases and fatality data, healthcare capacity, PDITR (Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate) indicators, and vaccination coverage.” dagdag na pahayag ni De Guzman.

 

Nito lamang nakaraang linggo, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos na umaasa siya na ang NCR ay ilalagay sa ilalim ng pandemic alert level 3 sa Oktubre.

 

Ang “growth and reproduction rates” ng COVID-19 cases sa Kalakhang Maynila ay bumababa na.

 

Ang Kalakhang Maynila ay inilagay sa ilalim ng  Alert Level 4 simula noong Setyembre 16. Ang pilot implementation ay tatakbo ng hanggang Seyembre 30.

 

Base sa bagong guidelines ng pamahalaan, ang mga lugar sa ialim ng Alert Level 4 — itnuturing na “second highest alert level” sa bagong scheme — ay iyong mayroong COVID-19 case counts na mataas o tumataas habang ang total beds at ICU beds ay nasa high utilization rate.

 

Sa ilalim ng Alert Level 4, ang outdoor o al fresco dine-in services sa restaurants at eateries ay maaaring mag- operate sa maximum na 30% venue/seating capacity maging anuman ang vaccination status. Ang Indoor dine-in services ay papayagan sa limitadong 10% venue/seating capacity subalit magsisilbi lamang sa mga indibiduwal na fully vaccinated laban sa COVID-19.

 

Ang mga personal care services na limitado sa barbershops, hair spas, nail spas, at beauty salons ay papayagan sa maximum na 30% venue/seating capacity kung ang serbisyo ay ginawa sa outdoors maging anuman ang vaccination status. (Daris Jose)

Other News
  • LOVI, hesitant noong una pero dahil kakaiba at ‘acting piece’ kaya tinanggap ang ‘The Other Wife’

    MARAMI na tayong nasaksihan na mga pelikula tungkol sa pagtataksil pero magbabago ang pagtingin ng viewers sa ‘baliw na pag-ibig’ sa latest offering ng VIVA Films, ang The Other Wife.     Muli itong pagtatambalan ng award-winning actors na sina Lovi Poe at Joem Bascon, kasama ang versatile actress na si Rhen Escaño.     Iikot […]

  • Pebrero 25 kada taon pinadedeklara ng mambabatas bilang regular, national at public non-working holiday

    PINADEDEKLARA ng isang mambabatas ang Pebrero 25 kada taon bilang regular, national at public non-working holiday.     Sa House bill 9405 na inihain ni Albay Rep. Edcel Lagman, pinadedeklara nitong holiday ang Pebrero 25 bilang komemorasyon sa Edsa People Power Revolution.     Kasunod na rin ito sa hindi pagkakasama sa inalabas na Proclamation […]

  • DICT, pabor na I-regulate ang paggamit ng TikTok sa Pilipinas

    Pabor ang Department of Information and Communications Technology na I-regulate ang paggamit ng Social media platform na TikTok sa Pilipinas.       Ito ang inihayag ni DICT Undersecretary Jeffrey Dy kasunod ng paghahain ng bill sa Kamara de Representantes na naglalayong ipagbawal sa bansa ang mga Foreign adversary-controlled applications tulad ng TikTok.     […]