• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: ‘Karamihan ng namamatay sa COVID-19 sa Pilipinas, edad 60-69’

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi nagbago ang demographics o populasyon ng mga namamatay dahil sa COVID-19 sa bansa.

 

Pahayag ito ng ahensya matapos lumabas ang ulat tungkol sa ilang kaso ng COVID-19 deaths sa mga kabataan.

 


Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, nasa hanay pa rin ng matatanda at may iba pang iniindang sakit ang bilang ng karamihan sa mga namamatay na kaso ng COVID-19 sa estado.

 

“Demographics are still the same ‘pag tiningnan natin yung deaths natin, nandoon pa rin tayo na mas malaki yung porsyento ang mga namamatay among our elderlies and those with commorbidities.”

 

“Kung titingnan natin yung disaggregation according to age, makikita natin na talagang marami pa rin don sa ‘aged group,’ ibig sabihin mga matatanda.”

 

Paliwanag ni Vergeire, bumaba pa sa 1.28% ang katumbas ng bilang ng mga batang edad 10-taong gulang pababa ang namamatay sa COVID-19 nitong August 25. Mas mababa ito sa 1.43% deaths ng naturang age group noong July 31.”

 

Sa huling tala ng DOH, pinakamataas ang COVID-19 deaths ng mga Pilipino na nasa pagitan ng edad 60 hanggang 69-years old na nasa 28%. Sumunod ang 70-79 age group na 22.58%.

 

“The younger age group, although mayroon tayong numero mga namamatay sa kanila, pero hindi pa ganoon kadami para masabing nagbago na ang demographics ng pagkakamatay due to COVID-19 dito sa ating bansa.”

 

Kung maaalala, sinabi ng World Health Organization – Western Pacific kamakailan na malaking bilang ng infected sa COVID-19 sa rehiyon ay nasa pagitan ng edad 20 hanggang 40 years old.

Other News
  • COVID-19 vaccine brands, puwede nang sabihin sa recipients sa inoculation centers

    MAAARING isiwalat ng mga awtoridad ang COVID-19 vaccine brands sa kanilang recipients sa inoculation centers.   Ito’y matapos na ipagbawal ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang local government sa pag-anunsyo ng brand names para maiwasan ang mass gatherings.   “Malinaw ang paliwanag ng DILG na bagama’t hindi iaanunsyo ng LGU ang vaccine […]

  • Mga dayuhan na may long-term visa, papayagan nang pumasok ng Phl simula Agosto 1

    Simula sa unang araw ng Agosto ay papayagan na ng Inter-Agency Task Force na pumasok sa bansa ang mga foreign nationals na mayroong long-term visa.   Ibig sabihin nito ay hindi makakapasok ang mga indibidwal na bago pa lamang ang visa.   Ito ay bilang isa sa mga hakbang ng gobyerno upang muling buhayin ang […]

  • Ads December 2, 2020