• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH, kinumpirma na may local transmission na ng Omicron subvariant BA.2.12.1 sa PH; 3 karagdagang kaso ng BA.2.12.1

KINUMPIRMA  ngayong araw ng Department of Health na nadetect na sa bansa ang local transmission ng highly transmissible Omicron subvariant BA.2.12.1.

 

 

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nangangahulugan na ang mga kaso na nadetect ay wala ng kaugnayan sa mga kaso mula sa labas ng bansa ngunit makikita pa rin ang linkages ng mga nadetect na mga kaso.

 

 

Sa kabila nito, iginiit ni Vergeire na wala pang community transmission sa ngayon.

 

 

Iniulat din ngayong araw ng DOH na nadagdagan pa ang kaso ng COVID-19 omicron subvarainat na BA.2.12.1 sa Pilipinas.

 

 

Tatlong bagong kaso ng naturang Omicron subvariant ang nadetect mula sa Western Visayas.

 

 

Ayon kay Vergeire, dalawang local cases at isang returning Filipinos ang nasuri na positibo sa subvariant.

 

 

Ang returning Filipino ay mula sa Amerika at fully vaccinated gayundin ang isang local cases kumpleto ang bakuna habang ang isa pang local cases ay kasalukuyang biniberipika pa ang kaniyang status.

 

 

Nilinaw naman ni Vergeire na hindi pa ito maituturing na community transmission kung saan malawakan ang pagkalat at hindi matrace ang lineages ng kaso.

 

 

Magugunita na ang unang 14 na kaso ng highly transmissible subvaraint na nadetect sa bansa ay naitala ang 2 local cases mula sa Metro Manila at 12 naman sa Puerto Princesa kung saan 11 dito ay foreign travelers at 1 naman ang local individual.

 

 

Samantala, sa ngayon hindi pa itinuturing ng mga eksperto ang omicron subvariant BA.2.12.1 bilang isang variant of interest o variant of concern. (Daris Jose)

Other News
  • British tennis star Andy Murray emosyonal sa pagtatapos na ng kaniyang tennis career sa pagkatalo sa Olympics

    NATAPOS ang tennis career ni British tennis star Andy Murray matapos na mabigo sa men’s doubles sa Paris Olympics. Matapos kasi na mag-withdraw sa singles match ay nagpasya ang 37-anyos na maglaro sa doubles para irepresenta ang kaniyang bansa. Kasama niya sa doubles si Dan Evans ng subalit tinalo sila ni Taylor Fritz at Tommy […]

  • Gilas gagapang na parang ahas sa SEA Games 3-peat crown

    Dadaan sa butas ng karayom ang Gilas Pilipinas women’s basketball team para sa kauna-unahang misyong three-peat championship sa 32nd Southeast Asian Games 2023 sa Mayo sa Cambodia.     Siniwalat ito ni national coach Petrick Henry Aquino sa Philippine Sportswriters Association Forum na mga hatid ng San Miguel Corporation, MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic […]

  • Ito ang kauna-unahan niya kaya panay ang training: PIA, naghahanda sa pagsali sa New York City marathon

    NAGHAHANDA na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa pagsali niya sa New York City marathon.     Ito raw ang kauna-unahang marathon na sasalihan niya kaya panay ang training niya.     “It’s only 3 months before race day and these were my thoughts before I started training and got serious about running cos […]