• December 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH may tulong sa mga OFW na apektado ng ipinahintong COVID-19 test ng PH Red Cross

PUMAGITNA na ang Department of Health (DOH) sa hidwaan ng Philippine Red Cross (PRC) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa hindi pa raw bayad na mga COVID-19 tests.

 

Ayon sa kagawaran, habang patuloy ang kanilang pakikipag- ugnayan sa PRC para maayos ang issue, ilang hakbang na rin ang ginawa nila para makatulong sa mga maaapektuhan nang pag- atras ng PRC sa COVID-19 tests na sakop ng PhilHealth coverage.

 

Kabilang ang sektor ng overseas Filipino workers (OFWs) at returning OFWs sa mga inaasahang apektado ng pansamantalang pagtigil ng PRC, kaya naman tinukoy ng DOH ang mga laboratoryo kung saan nila maaaring tupdin ang requirement na COVID-19 test:

 

1. Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital (TALA)

2.Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center

3.Lung Center of the Philippines

4.PNP Crime Laboratory

5.Research Institute for Tropical Medicine

6.San Lazaro Hospital

7.Ospital ng Imus

8.Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital

 

Bukod dito, may lumalakad na rin daw negosasyon ang ahensya kay Sec. Vince Dizon, na siyang Testing Czar at iba pang opisina.

 

“To implement the re-routing of the specimens; and ongoing matching of the mega-swabbing facilities with identified labs.”

 

Inaasahan daw ng DOH na bababa ang pangangailangan sa testing ng returning Filipinos dahil sa ilalim ng Omnibus Guidelines ay naka-depende sa kanilang clinical assessment ang posibilidad na ma-test.

 

“Upang komprehensibong ma-address ang issues ng testing, isolation, at referral needs ng ating mga OFWs, Sec Duque has given instruction to ensure coordination with the Isolation Czar, Treatment Czar, and other implementing entities to ensure that testing and isolation strategies for managing returning Filipinos are complementary.”

 

“This means setting up and operationalizing the patient pathway of RFs in accordance to the Omnibus Guidelines — from screening, quarantine/isolation, testing, and if needed, referral to hospitals.” (Daris Jose)

Other News
  • Travel time mula port area papuntang Valenzuela, 10 minutes na lang

    TEN minutes na lang ang travel time galing sa Port Area papuntang NLEX-Valenzuela sa Bulacan dahil sa malapit ng matapos na North Luzon Expressway Harbor Link C3-R10 project.   “This will improve the movement of cargo between the Port Area and NLEX by shortening the travel time from the usual one hour to 10 minutes. […]

  • Higit 18,000 pulis ikakalat sa Undas

    AABOT sa mahigit 18,000 pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) upang masi­guro ang kaligtasan sa mga transport terminals, lansa­ngan at sementeryo ngayong Undas.   Ayon kay PNP spokesperson PBrig. Gen. Jean Fajardo, nakahanda na ang plano at sistema ng PNP sa Undas kabilang ang inaasahang pag­dagsa ng mga dadalaw sa sementeryo.   “Kasama […]

  • Ads September 30, 2020