• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: Na-maximize namin ang 2-week MECQ para sa ‘recalibration’ ng strategies vs COVID-19

Kumpiyansa ang Department of Health (DOH) na nasulit nila ang dalawang linggong modified enhanced community quarantine (MECQ) dito sa Metro Manila at ilang kalapit na lalawigan, para mapunan ang ilang kakulangan sa responde ng bansa sa pandemic na COVID-19.

 

Pahayag ito ng DOH kasabay nang pagbabalik sa mas maluwag na general community quarantine (GCQ) ng NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ngayong araw.

 

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, binigyan ng dalawang linggong MECQ ng pagkakataon ang ahensya at Inter-Agency Task Force para ma-recalibrate o palakasin pa ang mga stratehiya laban sa pandemic.

 

Naging daan din daw ang “timeout” para mas maging malinaw ang targets tulad ng mas tutok na contact tracing at papel ng bawat opisyal, lalo na sa level ng local government units, sa pagtugon sa COVID-19 cases.

 

Binanggit din ni Usec. Vergeire ang pagbisita ng mga opisyal sa LGUs, One COVID referral system ng mga lokal na pamahalaan, pinalakas na testing at isolation, na ilan din sa nagawa ng mga opisyal sa nakalipas na 2-week MECQ.

 

“Primarily noong ginawa natin itong MECQ na ‘to, hindi naman natin sinabing in two weeks time ay mapapababa natin ang mga kaso (ng COVID-19). That is really impossible. Ang hiningi natin na dalawang linggo, hiningi ng ating mga health care workers is for them to breathe and at the same time the DOH was able, together with the IATF, to recalibrate our strategies, to analyze more, to assess the situation on the ground.”

 

Sa ngayon maaga pa raw para hanapin ang naging epekto ng MECQ sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa. Aabutin pa umano ng dalawa hanggang tatlong linggo bago makita ng malinaw ang idinulot ng lockdown sa estado ng pandemya.

 

Nilinaw din ni Usec. Vergeire na hindi lang factors na may kinalaman sa kalusugan ang kanilang ikinonsidera sa pagre-rekomenda ng balik GCQ, dahil tiningnan din daw nila ang estado ng ekonomiya at seguridad sa bansa.

 

Nitong Linggo nang magtanong si Vice President Leni Robredo ukol sa kung na-maximize ba ng DOH ang dalawang linggong MECQ para tugunan ang mga natukoy na kulang sa COVID-19 response ng gobyerno.

Other News
  • 1.2-B HALAGA NG IBA’T IBANG URI NG DROGA WINASAK NG PDEA

    WINASAK ng Philippine Drug Enforcement Agency ang may halos isang tonelada ng iba’t ibang uri ng droga at mga kemikal na gamit sa paggawa ng mga ito na kanilang nasamsam sa iba’t ibang operasyon. Umaabot sa halagang P1,295,050,354.65 ang mga winasak na droga sa pamamagitan ng thermal composition o pagsunog sa isang makina sa may […]

  • TEEJAY at JEROME, ‘di inaasahan na magiging maganda ang pagtanggap sa ‘Ben X Jim’; asahang mas nakakikilig ang Season 2

    NAG–START na noong February 12 ang season 2 ang BL series na Ben X Jim na from Regal Entertainment starring Teejay Marquez and Jerome Ponce, under the direction of Easy Ferrer.     Sa recent zoom presscon ng season 2 ng serye, kapwa sinabi nina Teejay at Jerome na hindi nila inaasahan ang magandang reception ng […]

  • IVERMACTIN, INAPRUBAHAN NA NG FDA

    INAPRUBAHAN na ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng isang ospital para sa “Compassionate use” ng anti-parasitic drug na Ivermectin sa mga tao.   Ayon kay FDA Director Gen. Usec Eric Domingo, binigyan aniya ng special permit  para sa compassionate use ang Ivermectin dahil ito naman aniya ay investigational product laban sa COVID-19. […]