• October 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: Na-maximize namin ang 2-week MECQ para sa ‘recalibration’ ng strategies vs COVID-19

Kumpiyansa ang Department of Health (DOH) na nasulit nila ang dalawang linggong modified enhanced community quarantine (MECQ) dito sa Metro Manila at ilang kalapit na lalawigan, para mapunan ang ilang kakulangan sa responde ng bansa sa pandemic na COVID-19.

 

Pahayag ito ng DOH kasabay nang pagbabalik sa mas maluwag na general community quarantine (GCQ) ng NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ngayong araw.

 

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, binigyan ng dalawang linggong MECQ ng pagkakataon ang ahensya at Inter-Agency Task Force para ma-recalibrate o palakasin pa ang mga stratehiya laban sa pandemic.

 

Naging daan din daw ang “timeout” para mas maging malinaw ang targets tulad ng mas tutok na contact tracing at papel ng bawat opisyal, lalo na sa level ng local government units, sa pagtugon sa COVID-19 cases.

 

Binanggit din ni Usec. Vergeire ang pagbisita ng mga opisyal sa LGUs, One COVID referral system ng mga lokal na pamahalaan, pinalakas na testing at isolation, na ilan din sa nagawa ng mga opisyal sa nakalipas na 2-week MECQ.

 

“Primarily noong ginawa natin itong MECQ na ‘to, hindi naman natin sinabing in two weeks time ay mapapababa natin ang mga kaso (ng COVID-19). That is really impossible. Ang hiningi natin na dalawang linggo, hiningi ng ating mga health care workers is for them to breathe and at the same time the DOH was able, together with the IATF, to recalibrate our strategies, to analyze more, to assess the situation on the ground.”

 

Sa ngayon maaga pa raw para hanapin ang naging epekto ng MECQ sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa. Aabutin pa umano ng dalawa hanggang tatlong linggo bago makita ng malinaw ang idinulot ng lockdown sa estado ng pandemya.

 

Nilinaw din ni Usec. Vergeire na hindi lang factors na may kinalaman sa kalusugan ang kanilang ikinonsidera sa pagre-rekomenda ng balik GCQ, dahil tiningnan din daw nila ang estado ng ekonomiya at seguridad sa bansa.

 

Nitong Linggo nang magtanong si Vice President Leni Robredo ukol sa kung na-maximize ba ng DOH ang dalawang linggong MECQ para tugunan ang mga natukoy na kulang sa COVID-19 response ng gobyerno.

Other News
  • Limitadong religious gatherings, pinapayagan para sa mga fully vaccinated na tao

    PINAPAYAGAN ang limitadong religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3.     Ang pahayag na ito ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos magdesisyon ang National Task Force na ipagbawal ang “in-person religious gathering” para sa Pista ng Itim na Nazareno.     Bago pa ang […]

  • Umaasang mamahalin din ang role sa bagong serye… GABBY, constant ang communication sa mga kapatid lalo na kay ANDI

    BILANG mabait at matapang na commander ng Earth Defense Force, minahal ng publiko ang karakter ni Gabby Eigenmann bilang si Commander Robinson sa ‘Voltes V: Legacy’ na umere sa GMA noong 2023. Marami nga ang naapektuhan at nalungkot noong namatay si Commander Robinson sa kamay ng mga aliens na Boazanian habang ipinagtatanggol ang anak niyang si […]

  • Suportado siya ni Inah sa bagong teleserye: JAKE, aminadong nangapa sila ni BEA sa muling pagtatambal

    IT’S super grand celebration of love and friendship as Beautederm Home marks another milestone as it commemorates the formal renewal of Marian Rivera-Dantes as its official brand ambassador for another 30 months.     Sa launch may nagtanong bakit 30 months lamang? Para kay Ms. Rhea Anicoche-Tan ng Beautederm, wala raw limit ang contract, forever […]