• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: Nadisgrasya ng paputok nitong New Year 2022 ‘mas mataas nang 42%’

UMABOT  ng 262 kaso ng fireworks-related injuries ilang araw bago at matapos ang Bagong Taon — mas marami nang halos kalahati kumpara sa parehong panahon noong last year.

 

 

Ito ang ibinahagi ng Department of Health (DOH), Martes, ayon sa mga pagmamatyag ng kagawaran mula ika-21 ng Disyembre, 2022 hanggang ika-3 ng Enero, 2023.

 

 

“Mula, Jan.2, limampu’t isa (51) ang naitalang bagong kaso ng fireworks-related injury mula sa 61 na DOH sentinel hospitals,” sabi ng DOH kanina.

 

 

“Sa kasalukuyan, ang kabuuang bilang ng mga kaso ng pinsala dulot ng paputok ay nasa dalawandaan at animnapu’t dalawa (262) na mas mataas ng apatnapu’t dalawang porsyento (42%) kumpara sa naitala noong nakaraang taon sa sakop na petsa.”

 

 

Sa kabila nito, lumalabas na mas mababa ito 15% kumpara sa five-year average na 308 sa parehong time period.

 

 

Pinakamarami sa mga nadisgrasya ang National Capital Region na nakapagtala ng 126 sugatan, bagay na sinundan ng Western Visayas (31) at Ilocos Region (23). Nasa 80% sa mga naputukan ay lalaki (208 katao).

 

 

Narito ang mga paputok na nagtala ng pinakaraming FWRIs:

kwitis (54)

boga (30)

5-star (21)

hindi pa tiyak (17)

fountain (16)

Ang boga at 5-star hindi hindi pinahihintulutang gamitin sa batas.

 

 

Ito naman ang mga parte ng katawan ng kadalasang napuputukan:

kamay (92)

mata (75)

hita (35)

ulo (34)

braso (31)

“One hundred forty-five (56%) cases occurred in the street, while 107 (14%) occurred at home,” dagdag pa ng DOH.

 

 

“Forty-five (17%) cases were allegedly intoxicated with alcohol at the time of injury.”

 

 

Kumpirmado namang tinamaan ng ligaw na bala ang isang 64-anyos na babae sa Maynila, bagay na nangyari raw bandang 3:22 a.m. noong madaling araw ng Bagong Taon.

 

 

“[She] was… hit by a stray bullet while she was walking on her way to her brother-in-law’s place of residence,” sabi pa ng DOH. Agad siyang dinala sa Philippine General Hospital, bagay na na-validate ng Philippine National Police noong ika-2 ng Enero.

 

 

Sa kabutihang palad, wala pa namang kaso ng nakalunok ng paputok at wala pa ring namamatay dahil sa FWRIs.

 

 

Una nang hinala ng DOH na dumami ang kaso ngayong taon kumpara noong 2020 at 2021 lalo na’t kasagsagan noon ng COVID-19 lockdowns at community quarantines, bagay na tinanggal na ngayon.

Other News
  • ‘Downton Abbey: A New Era’ Now Screening Exclusively at Ayala Malls Cinemas

    DOWNTON Abbey: A New Era, the much-anticipated cinematic return of the global phenomenon reunites the beloved cast as they go on a grand journey to the South of France to uncover the mystery of the Dowager Countess’ newly inherited villa.     The film is directed by Simon Curtis and written by Julian Fellowes. The […]

  • Kim, napa-‘omg’ nang gayahin ang pose niya sa hallway: REGINE, dahilan kung bakit naka-survive kaya labis na pinasalamatan ng ‘Drag Racer’

    PAGDATING sa mga showbiz female icon na palaging ini-impersonate lalo na ng mga drag queenS, nangunguna sa list si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.   At tulad nga sa naganap na ‘Rusical’ masuwerte si Precious Paula Nicole na napunta kanya ang kanyang idolo na si Regine para gayahin na kung saan siya nga ang nagwagi sa […]

  • 56 nasawi sa stampede sa isang football match sa Guinea

    AABOT sa 56 katao ang nasawi matapos ang naganap na stampede sa isang football match sa N’Zerekore City , Guinea.     Base sa mga otoridad na nagsimula ang kaguluhan sa pagitan ng mga fans.     Mas lalo pang lumala ang kaguluhan ng palabasin ang isang manlalaro matapos ang laro.     Ang nasabing […]