DOH, naghahanap pa ng karagdagang pondo para sa mga health workers ng bansa
- Published on February 8, 2023
- by @peoplesbalita
NAGHAHANAP pa ng karagdagang pondo ang Department of Health para sa healthcare workers benefits ng bansa.
Ayon kay Department of Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, magkakaroon sila ng pagpupulong kasama ang Department of Budget and Management upang ma identify ang ilan pang source of fund para mapunan ang kulang na budget sa healthcare workers benefits.
Ilan raw sa kinakaharap na problema ng ahensya ay ang Memorandum of Agreement sa ibang pasilidad na hindi pa naisasapinal, dagdag pa ni Officer in Charge Vergeire, ang ibang private at local facilities ay hindi kumpleto ang liquidation sa mga pondo na kanilang inilaan kaya mayroong delay sa disbursement na iniiwasan din raw nila.
Samantala, patuloy naman ang allowance para sa 805,000 local government healthcare workers, private sector at national government healthcare workers.
Matatandaan na mayroon nang naunang budget na inilaan sa nasabing ahensya, ito ay nasa 72 billion pesos.
Ang budget na ito raw ay hindi pa sapat kaya kinakailangang pa ng karagdagang pondo upang maipamahagi at mapunan ang arrears noong 2021 at 2022 sa mga healthcare workers ng bansa. (Gene Adsuara)
-
PUGANTENG KOREANO, INARESTO NG NBI
INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Tagiug City ang isang puganteng Koreano na wanted sa kanilang bansa. Ayon sa NBI-International Operations Division, kinilala ang pugante na si Kim Girok na wanted sa human Trafficking actvities. Hiniling ng prosecutor ng Korean ang tulong ng NBI upang ito ay maaresto at […]
-
Pagkagutom, pinakamataas simula noong 2020
MAS maraming pamilyang Filipino ang nakaranas ng involuntary hunger nito lamang second quarter ng 2024 kumpara sa nakalipas na quarter. Ito ang lumabas sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS), ipinalabas araw ng Martes, Hulyo 23, natuklasan ng SWS na may 17.6% ng pamilyang Filipino ang nakaranas ng involuntary […]
-
PNP sa publiko: Pagdiriwang ng Pasko, limitahan lang sa ‘family bubble’
Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na limitahan lang sa tinatawag na family bubble ang pagdiriwang ng Pasko. Ito’y sa gitna na rin ng pangamba na muling sumipa ang mga kaso ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) dahil sa mga pagtitipon habang papalapit na ang Pasko. Ayon kay PNP Chief […]