DOH naglinaw: ‘Walking pneumonia’ cases ng Pilipinas magaling na
- Published on December 9, 2023
- by @peoplesbalita
NILINAW ng Department of Health (DOH) na nag-“recover” na ang mga kaso ng walking pneumonia sa Pilipinas, bagay na pinangangambahan ngayon ng publiko.
Miyerkules lang kasi nang kumpirmahin ng kagawarang umabot na sa apat na kaso ng Mycoplasma pneumoniae infection o “walking pneumonia” ang naitatala sa bansa magmula pa Nobyembre.
“[T]he DOH wishes to clarify and emphasize that the detected cases are NOT NEW,” sambit ng DOH sa isang pahayag na media kagabi.
“Only 4 (0.08%) of the confirmed influenza-like illness] from January up to November 25, 2023 were due to M. pneumoniae or ‘Walking Pneumonia.’ All these cases have recovered.”
Ika-30 lang ng Nobyembre lang nang pag-ingatin ni Health Undersecretary Eric Tayag ang publiko sa pagtaas ng kaso ng walking pneumonia — sakit na “95% drug resistant” sa Tsina.
Maliban sa Tsina at Pilipinas, aminado ang DOH na hindi pa ito nakikita sa ibang bansa.
Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang ianunsyo ng gobyernong wala pang outbreak ng naturang sakit sa bansa.
Tiniyak naman ng DOH na lagpas kalahati ng mga ILI cases ay mula sa iba pang mas kilalang pathogens.
“We have medicines that can treat M. pneumoniae: and we can easily prevent its transmission,” dagdag pa ng DOH.
“It is one of the [ILIs], which presents as fever, sore throat, and cough. Younger children may have cold-like symptoms.”
Bagama’t lahat daw ay maaaring magkahawaan nito, mas malaki aniya ang posibilidad na mag-develop ng severe disease ang mga may mga mahihinang resistensya at nakatira sa mga kulob na lugar.
Hindi naman na raw bago at kakaiba ang pag-detect ng DOH sa M. pneumoniae. Mas mahalaga pa, maiiwasan aniya ang pagpapasahan nito sa pamamagitan ng palagiang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face masks, sapat na bentilasyon at pagpapabakuna. (Daris Jose)
-
PDu30, nagsagawa ng aerial inspection sa ‘Agaton’-hit Baybay City
KAHIT Biyernes Santo o Mahal na Araw ay nagsagawa pa rin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang aerial inspection sa Baybay City, lalawigan ng Leyte, isa sa mga lugar sa Eastern Visayas na hinambalos ng Tropical Depression Agaton ngayong linggo. Kasama ng Pangulo si Senador Christopher “Bong” Go, na lumapag sa Ormoc City. […]
-
Marcos, nangakong tatapusin ang infra projects ‘ sa tamang oras
NANGAKO si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tatapusin niya ” sa tamang oras” ang infrastructure projects sa panahon ng kanyang administrasyon. “We will continue to build, I will complete on schedule the projects that have been started. I am not interested in taking credit. I want to build on the success that’s […]
-
POC sinuspendi ang PATAFA dahil ginawang panggigipit kay EJ Obiena
Sinuspendi ng Philippine Olympic Committee (POC) ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) dahil sa ginawang panggigipit kay Pinoy pole vaulter EJ Obiena. Sinabi ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino na nabigo ang PATAFA na gampanan ang kanilang trabaho bilang National Sports Association (NSA). Nakasaad aniya sa konstitusyon […]