• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH nagpaalala sa face-to-face holiday gatherings

NAGPAALALA ang Department of Health (DOH) na sa  inaasahang mga face-to-face holiday ga­therings, dapat na magkaroon ang bawat isa ng matalinong desisyon kung kailan magtatanggal ng face mask.

 

 

Sa press conference, hinikayat din ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang publiko na dapat ay may bakuna at booster shots laban sa COVID-19 para sa karagdagang layer ng proteksyon at mabawasan ang pagkalat ng virus.

 

 

“Alam ho sana natin lahat kung ano ang risk level natin kung kailan tayo magtatanggal ng mask at kung kailan sa tingin natin tayo ay dapat o hindi dapat naka-mask,” ani Vergeire.

 

 

“Wala po tayo restrictions as to age or capacity kaya tayo ay nagpapaalala na tayo na mismo sa ating sarili magkaroon ng informed decision kung kailan tayo pupunta sa pagtitipon na maraming tao,” paliwanag niya.

 

 

Sa datos ng Nobyembre 9, may 73.6 milyong Pinoy ang nabakunahan na laban sa COVID-19. Kabilang dito ang 20.7 milyon na nabigyan ng booster.

 

 

Nitong Oktubre 28 nang maglabas ng kautusan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pwede nang hindi magsuot ng face mask sa enclosed areas.

 

 

Gayunman, inirerekomenda pa rin ang pagsusuot ng face masks sa mga matatanda, buntis, persons with comorbidities, immunocompromised individuals, mga walang COVID-19 vaccines, at may mga COVID symptoms.

Other News
  • ASIAN GAMES 2023 MEDALISTS, makatatanggap ng Presidential citation at cash incentives

    ISANG  grand welcome at awarding ceremony  ang naghihintay sa mga Filipino medalists  ng 2023 Asian Games, mamayang gabi, araw ng Miyerkules, Oktubre 25.     Ang nasabing event ay tinawag na ‘Gabi ng Parangal at Pasasalamat Para sa Bayaning Atletang Pilipino’.     Ang Office of the President (OP) sa pakikipagtulungan sa  Presidential Communications Office,  […]

  • Paglabag daw sa human rights ang pagpasok ng 2,000 pulis sa compound ng KOJC, “I don’t think so.”- PBBM

        “I DON’T THINK SO.”       ITO ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isang ambush interview matapos pangunahan ang Oath-Taking Ceremony para sa mga newly elected officers ng National Press Club (NPC), Kapisanan ng mga Broadcasters ng Pilipinas (KBP) Malacañang Press Corps (MPC), Presidential PhotoJournalists Association (PPA) at Malacañang […]

  • JANINE, sumabak agad sa iconic drama anthology na ‘MMK’ kasama si JM

    KAMAKAILAN lamang pumirma ng kontrata si Janine Gutierrez sa ABS-CBN pero may guesting na agad siya sa top-rating and iconic drama anthology na Maalaala Mo Kaya this Saturday.     Katambal pa niya ang mahusay na actor na si JM De Guzman.     Maagap ang ABS-CBN sa pagbibigay agad ng acting assignment sa Gawad […]