• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH nagpasaklolo sa PNP kontra ‘vape’

NAGPASAKLOLO na ang Department of Health (DOH) sa Philippine National Police (PNP) para matulungan sila sa pagpapatupad ng batas na nagbabawal sa mga menor-de-edad na bumili at gumagamit ng vape o e-cigarettes.
“I actually wrote a letter to the PNP asking them to implement the law and make sure none of these minors should have access to vaping,” ayon kay Herbosa sa isang media forum.
Sinabi ni Herbosa na tinatayang 14% na ng mga gumagamit ng e-cigarette ay mga minors sa kabila ng nakasaad sa batas na 18-taong gulang pataas lamang ang maaring gumamit nito.
Kasunod ito ng pagbaba sa paggamit ng tabako o sigarilyo sa bansa dahil sa mas mataas na buwis na dahilan ng pagtataas sa presyo ng mga ito.
Ayon sa Global Adult Tobacco Survey, bumaba ang paggamit ng tabako o sigarilyo sa mga adult sa 19.5% noong 2021 mula sa 29.7% noong 2019.
Kasabay ng pagbaba sa paninigarilyo, tumaas naman ang antas ng gumagamit ng mga vape at e-cigarettes. Ngunit ayon sa DOH, parehong may masamang epekto sa kalusugan ang paggamit ng mga ito.
Other News
  • John Krasinski turns to family for inspiration for his whimsical adventure comedy movie “IF”

    AFTER directing, writing, and co-starring with his wife Emily Blunt in global box-office hits A Quiet Place and A Quiet Place Part II, John Krasinski does a complete 180 turn with IF, a whimsical adventure for the whole family to enjoy. The inspiration— his very own family. “I’ve always wanted to make a movie for […]

  • British tennis star Emma Raducanu bigo sa 2nd round ng French Open

    NATAPOS na ang kampanya sa French Open si US Open Champion Emma Raducanu.     Ito ay matapos na talunin siya ni Aliaksandra Sasnovich ng Belarus 3-6, 6-1, 6-1 sa ikalawang round.     Ito ang unang beses na paglalaro ng British 12th seed at ang pangalawang pagkatalo niya kay 47th ranked na si Sasnovich […]

  • Kilalang elepante na si Mali pumanaw na

    PUMANAW na ang nag-iisang elepante ng Manila Zoo na si Mali.   Kinumpirma ni Manila City Mayor Honey Lacuna ang pagpanaw ni Vishwamali o kilala bilang si Mali na pumanaw nitong 3:45 ng hapon ng Martes.   Isinagawa ng mga beterinaryo ang necropsy para malaman ang naging dahilan ng pagpanaw ni Mali.   Si Mali […]