• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: Pagtuturok ng AstraZeneca COVID-19 vaccines, itutuloy na

Itutuloy na ng Pilipinas ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines na gawa ng Oxford University at British pharmaceutical company na AstraZeneca.

 

 

Ito ang sinabi ng Department of Health (DOH) matapos na pansamantalang ipatigil ang pagbabakuna gamit ang naturang vaccine brand.

 

 

“Based on current evidence, Vaccine-Induced Thrombosis and Thrombocytopenia (VITT) is a very rare condition of blood clots associated with low platelet counts that can occur 4 to 28 days after receiving a viral vector vaccine such as AstraZeneca,” nakasaad sa statement.

 

 

“It was concluded that there are currently no known risk factors for VITT and that the benefits of receiving the vaccine against COVID-19 still outweighs the risk.”

 

 

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, bunga ng pagpupulong ng ahensya, Food and Drug Administration, at Philippine Society of Hematology and Transfusion Medicine Inc. ang desisyon na ituloy ang pagbabakuna ng AstraZeneca vaccine.

 

 

Kung maaalala, sinuspinde ng DOH at Food and Drug Administration noong nakaraang buwan ang pagtuturok ng AstraZeneca vaccines sa mga edad 59-anyos pababa.

 

 

Hindi naman naapektuhan ang pagbabakuna ng nasabing vaccine brand sa mga senior citizen.

 

 

Kasunod ito ng mga naitalang insidente ng “blood clotting” at mababang platelet count sa ilang nabakunahan sa Europa at Estados Unidos. (Daris Jose)

Other News
  • Mayor Vico: Manatiling vigilante vs COVID-19

    Umaapela si Pasig City Mayor Vico Sotto sa publiko na manatiling vigilante at patuloy na tumalima sa lahat ng health at safety protocols na ipinatutupad ng pamahalaan upang labanan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.     Ang apela ay ginawa ni Sotto sa kanyang social media accounts sa gitna na rin […]

  • Tigil-Pasada na ikinasa ng ilang transport group sa bansa ‘generally peaceful’ – PNP

    INIULAT ng Philippine National Police na naging “generally peaceful” ang unang araw ng ikinasang weeklong tigil-pasada ng ilang transport group sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.     Batay sa paunang assessment ng Pambansang Pulisya, naging maayos ang isinagawang kilos-protesta ng ilang grupo ng mga tsuper at operator sa unang araw ng kanilang tigil pasada […]

  • Betrayal of public trust, graft ­ batayan sa impeachment vs VP Sara

    ITO ang dalawang nakikitang batayan ng House Committee on Good Go­vernment and Public Accountability na maaring magamit sa paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng hindi nito maipaliwanag na paggastos ng confidential funds sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).   Sinabi ni Manila 3rd […]