• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: PH COVID-19 cases higit 435,000 na; total deaths 8,446

Nadagdagan pa ng 1,061 ang total ng COVID-19 cases sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

 

Kaya naman umakyat pa sa 435,413 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng nakakahawang sakit sa buong bansa.

 

“13 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on December 2, 2020.”

 

Ang Davao City pa rin at Quezon City ang nangunguna sa listahan ng mga lugar na may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso na nasa 92. Sumunod naman ang Rizal, Pampanga at lalawigan ng Quezon.

 

Nasa 27,642 pa ang mga active cases o nagpapagaling. Malapit naman nang sumampa ng 400,000 ang total recoveries matapos pang madagdagan ng 328 na bagong gumaling. Ang total ay nasa 399,325.

 

Ang total deaths naman nadagdagan din ng 10, kaya ang total ay nasa 8,446.

 

“5 duplicates were removed from the total case count. Of these, 5 were recovered cases. Moreover, 3 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths.”

Other News
  • Malakanyang, ipinatupad ang kautusan ng Ombudsman na suspendihin ang mga opisyal ng ARTA

    IPINATUPAD ng Malakanyang ang naging kautusan ng Office of the Ombudsman na ilagay sa anim na buwang preventive suspension ang mga opisyal ng Anti-Red Tape Authority (ARTA).     Isang  memorandum na may petsang Hunyo 7 at nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang nagbibigay atas kay ARTA Deputy Director-General for Administration and Finance , […]

  • HIGIT 1M EDAD 5-11 NABAKUNAHAN NA

    KABUUANG 1,233,017 mga bata na may edad 5 hanggang 11 taong gulang ang nabakunahan laban sa Covid-19 mula nang magsimula ang Department of Health sa pagbabakuna sa bata noong Pebrero 7.     Sa online media forum, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na 381,433 mga bata sa ilalim ng 5-11 age bracket ay […]

  • Navotas nagsagawa ng simultaneous coastal clean-up

    BILANG bahagi ng seleberasyon ng 2023 International Coastal Cleanup (ICC) Day, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng simultaneous coastal cleanup drives sa lahat ng 18 barangays sa lungsod.     Nasa 700 na individuals ang lumahok sa event, kabilang ng mga empleyado ng pamahalaang lungsod, national government agencies, barangay officials and staff, students, teachers, […]