DoH, siniguro na hindi magkakaroon ng anumang aberya sa pagbiyahe ng bakuna
- Published on February 13, 2021
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Department of Health (DoH) na hindi magkakaroon ng aberya sa pagbyahe ng Covid-19 vaccine patungo sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) mula sa pagdating nito sa paliparan.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DOH Director Ariel Valencia na mayoon na kasi aniyang mga inilatag na contingency plan ang gobyerno ukol sa kung papaano iha-handle Ang bakuna na inaasahang darating na sa bansa sa mga susunod na araw.
Sa katunayan ani Valenia ay sumailalim na sa special training ang mga cold chain managers, supply officer at ang mga pharmacist para sa tamang paghawak at pag-aalaga ng bakuna.
Bukod dito ay nagsagawa na rin ng simulation o exercises ang mga kinauukulan kung saan nakita dito na kung maaari lamang ay wala talagang masyadong movement mula sa pagbababa ng vaccines hanggang sa mailagay ito sa freezer van.
Habang ang mga security group naman ani Valencia na pangungunahan ng PNP at MMDA, ang magbibigay katiyakan na magiging ligtas at hindi maaabala ang pagbyahe ng freezer van mga patungo sa RITM at iba’t ibang ospital. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Mga canned sardines manufacturers, nais ang P3 na price hike
INIHIRIT ng mga manufacturers ng canned sardines ang P3.00 na price adjustment sa kanilang produkto dahil sa pagtaas ng presyo ng diesel, paghina ng piso, at pagtaas ng presyo ng mga imported na lata na ginagamit sa paggawa ng mga lata. Sinabi ni Canned Sardines Manufacturers Association of the Philippines executive director Francisco […]
-
2 drug suspects huli sa P100K droga sa Valenzuela
MAHIGIT P.1 milyong halaga ng droga ang nasamsam sa dalawang hinihinalang drug personalities matapos matimbog ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela City. Sa kanyang report kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., sinabi ni PMSg Carlos Erasquin Jr na dakong alas-10:15 ng Martes ng umaga nang magsagawa ng […]
-
Luke 6:8
Give, and you will receive.