DOJ, hindi na kailangan pang bigyan ng direktiba ni PDu30 ukol sa gangwar sa NBP
- Published on November 14, 2020
- by @peoplesbalita
PARA sa Malakanyang, hindi na kailangan pang magbigay ng direktiba pa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Justice Secretary Menardo Guevarra hinggil sa nangyaring gangwar sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tiwala si Pangulong Duterte sa kung ano ang dapat gawin ni Sec. Guevarra sa nangyaring gang war sa New Bilibid Prison na ikinasawi ng ilang katao.
Alam ng Kalihim ang mga nararapat na aksyong kailangang ipatupad sa nasabing insidente.
Sa kasalukuyan ay kasado na ang ipinag-utos na imbestigasyon ni Sec. Guevarra hinggil sa nangyaring madugong gangwar sa loob ng NBP.
Iginiit pa ni Sec. Roque,na hangga’t hindi pa nagkakaroon ng investigation report ang mga otoridad ay hindi muna siya magkokomento sa nasabing pangyayari.
Nakatitiyak naman si Sec. Roque na agad na magpapatupad ng nararapat na aksyon si Sec. Guevarra sakaling matapos na ang ipinatawag nitong imbestigasyon sa NBP gangwar incident. (Daris Jose)
-
Mag-utol na HVI, 1 pa isinelda sa P500K shabu sa Caloocan
NASAMSAM ng pulisya ang mahigit kalahating milyong peso halaga ng shabu sa tatlong tulak ng illegal na droga, kabilang ang magkapatid na listed bilang high value individual (HVI) na naaresto sa magkahiwalay na buy bust operations sa Caloocan City. Sa ulat ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Maj. Dennis Odtuhan kay Northern […]
-
Ads August 1, 2024
-
DepEd kinumpirma, may mga kaso pa rin ng COVID-19 sa ilang eskuwelahan
MAY mga kaso pa rin ng COVID-19 sa ilang eskuwelahan sa gitna ng pagpapatuloy ng face-to-face classes. Iyon nga lamang hanggang ngayon ay hindi pa rin inilalabas ng Department of Education (DepEd) ang detalye ng mga kaso kabilang na ang eksaktong pigura at lokasyon ng eskuwelahan. Subalit, tiniyak ng DepEd na […]