• February 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOJ, hindi na kailangan pang bigyan ng direktiba ni PDu30 ukol sa gangwar sa NBP

PARA sa Malakanyang, hindi na kailangan pang magbigay ng direktiba pa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte  kay Justice Secretary  Menardo Guevarra hinggil sa nangyaring gangwar sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tiwala si Pangulong Duterte sa kung ano ang   dapat gawin ni Sec. Guevarra  sa nangyaring gang war sa New Bilibid Prison na ikinasawi ng ilang katao.

 

Alam ng Kalihim  ang mga nararapat na aksyong kailangang ipatupad sa nasabing insidente.

 

Sa kasalukuyan ay  kasado na ang ipinag-utos na imbestigasyon ni Sec. Guevarra hinggil sa nangyaring  madugong gangwar sa loob ng NBP.

 

Iginiit pa ni Sec. Roque,na hangga’t hindi pa nagkakaroon ng investigation report ang mga otoridad ay hindi muna siya magkokomento sa nasabing  pangyayari.

 

Nakatitiyak naman si Sec. Roque na agad na magpapatupad ng nararapat na aksyon si Sec. Guevarra sakaling matapos na ang ipinatawag nitong imbestigasyon sa NBP gangwar incident. (Daris Jose)

Other News
  • Kaso ng COVID-19 sa bansa, 49 na

    NADAGDAGAN pa ng 16 kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung saan 49 na ang kabuuang kaso sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH) as of March11.   Sa ngayon, agad na ikinakasa ng otoridad ang contact tracing sa mga nakasalumuha ng mga kumpirmadong kaso ayon kay Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire […]

  • 3 SOUTH KOREANS INARESTO NG BI

    INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong South Koreans na nasa listahan ng wanted ng kagawaran at illegal na paninirahan sa bansa.       Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ng BI’s fugitive search unit (FSU), kinilala ang tatlo na sina  Han Jeongcheol, 47, Yang Wonil, 48, at Cho […]

  • Mga nasawing bata sa Ukraine simula nang salakayin ito ng Russia, umabot na sa 71; mahigit 100 indibidwal, sugatan

    UMABOT SA 71 ang bilang ng mga batang nasawi habang nasa mahigit 100 naman ang nasugatan sa Ukraine simula nang salakayin ito ng Russia noong Pebrero 24.     Inihayag ito ng isang Ukrainian parliament official na si Lyudmyla Denisova kasunod ng ginawang pambobomba umano ng Russia sa isang children’s hospital sa Mariopol City sa […]