• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOJ, inatasan ni PDu30 na inimbestigahan ang korapsyon sa buong gobyerno

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte InterAgency Task Force led sa pangunguna ni Justice Secretary Menardo Guevarra na imbestigahan ang korapsyon sa buong pamahalaan.

 

Ipinag-utos din ng Pangulo sa task force na imbestigahan ang di umano’y korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

 

“It behooves upon me to see to it na itong corruption mahinto or at least maputol nang konti,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

Binalaan ng Pangulo ang mga tiwaling opisyal na hindi sila maililigtas ng pagbibitiw sa puwesto mula sa criminal o administrative liability.

 

Binigyang halimbawa ng Pangulo ang nangyaring kaganapan sa PhilHealth kung saan mahigit 40 senior officials ang nagbitiw sa puwesto para mabigyang daan ng reorganization ng scandal-plague agency.

 

“Let me remind everybody in this government. Your resignation will not save your neck,” giit ng Pangulo.

 

“You are not allowed to resign to escape liability,” diing pahayag nito.

Other News
  • Unvaccinated vs COVID-19 bawal lumabas ng bahay sa NCR Alert Level 3 — MMDA

    Nagkaisa ang mga alkalde ng Metro Manila na ‘wag munang palabasin ng bahay — “in principle” —  ang lahat ng hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19, habang nasa ilalim ng Alert Level 3 ang rehiyon, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).     Matatandaang isinailalim sa Alert Level 3 ang National Capital Region (NCR) mula […]

  • 57 qualifier, salang sa 2020 LGBA COTY

    NASA 57 qualifiers ang kakasa sa 2020 Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) Cocker of the Year series na itutuloy sa Pasay City Cockpit ngayong araw (Biyernes) na may 114 na mga sultada.   Puntirya ng mga kalahok ang maagang pangunguna sa COTY race gayundin ang kampeonato ng first leg event 7–cock derby na mga hatid […]

  • PBBM, inatasan ang DICT na payagan ang LGUs na i-adapt ang e-Gov system

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na payagan ang local government units (LGUs) na i-adapt ang e-Gov system bilang bahagi ng  digitalization initiative ng gobyerno.     Binigyan ng Pangulo ng direktiba si Information and Communications Technology Secretary Ivan Uy habang nagdaraos ng sectoral meeting sa […]