DOJ: Quiboloy kinasuhan na ng sexual, child abuse, human trafficking sa mga korte
- Published on March 21, 2024
- by @peoplesbalita
NAGSIMULA na ang legal proceedings sa Davao City Prosecutor’s Office laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder, Pastor Apollo C. Quiboloy at ilang kasamahan.
Kasunod na rin ito ng direktiba mula sa resolusyon na “AAA v. Quiboloy et.al.”, na inilabas noong Marso 25, 2024 ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Nag-ugat ang naturang aksiyon mula sa akusasyon ng sexual at child abuse laban kay Quiboloy.
Ayon sa DOJ, si Quiboloy ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 5(b) ng Republic Act No. 7610 (Other Sexual Abuse), na nakapokus sa proteksiyon ng mga kabataan laban sa pang-aabuso, exploitation, at diskriminasyon.
May karagdagan pa umanong kaso sa ilalim ng Section 10(a) ng nasabi ring batas (Other Acts of Child Abuse) ang isinampa laban kay Quiboloy, at kina Jackielyn W. Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid C. Canada, at Sylvia Cemanes.
Inendorso ng Davao City Prosecutor’s Office ang reklamo para sa Qualified Trafficking in Persons sa DOJ main office.
Alinsunod sa Department Order 144, ang Task Force on Women and Children and Against Trafficking In Persons ay inatasan na maghanda ng mga kinakailangang impormasyon laban sa mga nasabing respondents para sa kasong Qualified Human Trafficking alinsunod sa resolusyong na-promulgate noong Marso 5 ng DOJ secretary.
Ang nasabing impormasyon ay inihain sa appropriate court sa Pasig City.
“The Department of Justice is dedicated to the enforcement of our laws and the protection of our children from exploitation and abuse. This case underscores our commitment to hold accountable those who would harm our society’s most vulnerable. Let this serve as a reminder that no individual, regardless of their position, is above the law,” ani Remulla.
-
AJ, umaming nagpa-enhance ng kanyang boobs at plano nang ipatanggal
SA virtual media conference ng latest Vivamax Original movie na Crush Kong Curly, may ipinagtapat ang Pandemic Star na si AJ Raval na nagpa-breast enhancement siya last year. May nag-suggest daw sa kanya na magpalaki ng boobs at dahil na-excite siya ay nagpa-breast implants siya na ngayon ay pinagsisisihan na niya. Kuwento […]
-
3 drug suspects huli sa baril at shabu
Tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang ang arestado matapos makuhanan ng baril at halos sa P.2 milyon halaga ng shabu sa loob ng isang sasakyan sa Malabon City, kamakalawa ng umaga. Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang mga naarestong suspek na si Edwin Ramos, 37, driver ng San Nicolas […]
-
Petro Gazz: Champion for the 2nd time
Si Petro Gazz ay bumalik sa trono ng Premier Volleyball League Reinforced Conference sa isang mas kahanga-hangang paraan, na pinalayas ang Cignal sa ikalawang sunod na pagkakataon, 25-17, 22-25, 25-12, 25-22 bago ang malaking crowd noong Martes sa Philsports Area sa Pasig noong Martes. Si Coach Rald Ricafort ay nagdemanda ng oras nang […]