DOLE maglalaan ng P1-B tulong pinansyal para sa mga manggagawang apektado ng COVID restrictions
- Published on January 21, 2022
- by @peoplesbalita
NAGLAAN ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng P1 bilyon para sa mga manggagawang apektado ng mas mahigpit na hakbang na ipinatupad, lalo na sa Metro Manila, dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, mamamahagi ng limang libong pisong tulong pinansyal ang kagawaran para sa mga manggagawa sa formal sector.
Magsisimula aniya sila sa pagtanggap ng mga aplikasyon anumang oras sa lalong madaling panahon sa oras na mai-publish na ang nasabing alituntunin.
Ani Bello, ang resulta ng naging pananalasa ng Bagyong Odette at ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ay ang dahilan kung bakit nadiskaril ang pagbangon ng ekonomiya at trabaho ng Pilipinas.
Bilang tugon, sinabi niya na namahagi na ang departamento ng emergency employment fund na nagkakahalaga ng P120 milyon sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), na nakinabang sa 25,000 benepisyaryo.
Aniya, may P50 milyon na halaga ng TUPAD funds para sa mga manggagawa sa turismo at isa pang P50 milyon para sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ang kanilang inilaan para sa Metro Manila.
-
400 accounts sa social media, tinanggal
INALIS ng social media giant na Meta Platforms Inc. ang mahigit 400 accounts, pages at groups sa layong matigil ang mga hate speech, misinformation at bullying sa gitna na rin ng nalalapit na halalan. Nabatid na dumami ang mga online hate speech matapos ibaling ng mga kandidato at kanilang mga tagasuporta sa social […]
-
“SUZUME” PASSES 14 BILLION YEN, NOW THE 15TH ALL-TIME BIGGEST FILM IN JAPAN
MAKOTO Shinkai’s “Suzume” anime film has passed 14 billion yen at the Japanese box office, becoming only the 15th film ever to do so in history. As of March 5, “Suzume” has nabbed a total of 14.04 billion yen (US$104.73 million) and now ranks as the 15th highest-grossing film released in Japan ever. […]
-
P1-B fuel subsidy para sa mga PUV drivers at operators, hindi sapat – transport group
Labis na ikinatuwa ng grupo ng mga tsuper ang pagbibigay ng inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng P1 billion na cash grants para sa mga public utility vehicle (PUV) drivers. Gayunman, ayon kay Obet Martin, Pasang Masda president ang P1 billion ay hindi sapat […]