• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOLE naglaan ng P100-M para sa free COVID-19 testing sa mga newly-hired employees

NAGTALAGA ng nasa Php100 milyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa kanilang programa libreng COVID-19 testing sa mga bagong hire na manggagawa.

 

 

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na layunin nito na bawasan ang bigat ng pasanin ng mga kababayan nating newly -hired jobseekers sa iba’t ibang sektor.

 

 

Ang naturang programa ay alinsunod sa DOLE Department Order 232, series of 2022 na nilagdaan ni Bello na sumasaklaw sa mga jobseekers mula Pebrero 1, 2022 na hindi pa nakakakuha ng posisyon dahil sa kawalan ng negatibong resulta ng RT-PCR test.

 

 

Kinakailangan lamang na magsumite ang mga new hire ng photocopy ng valid government-issued ID , duly accomplished subsidy application form at iba pa sa pinakamalapit na DOLE field office upang agad itong ma-endorso sa mga kinauukulang regional office matapos ito ma-evaluate.

 

 

Makakatanggap naman ng email o SMS ang mga aplikante sa loob ng five working days na naglalaman kung kung aprubado ba ito o hindi.

 

 

Samantala, sinabi naman kagawaran na upang matiyak naman na mahigpit na nababantayan ang nasabing programa ay inatasan ang lahat ng DOLE regional offices na mag-sumite ng weekly monitoring reports sa Bureau of Local Employment. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Metro Manila mayors muling iginiit na kontra sila sa pagbubukas ng mga sinehan

    Hindi sang-ayon ang mga alkalde ng Metro Manila sa muling pagbubukas ng mga sinehan.     Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, nakatakdang kausapin ng mga alkalde ang national government para sa nasabing desisyon na buksan ang sinehan sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.     Paliwanag […]

  • ‘Boss’ ng ‘pastillas’ scheme, 3 pang ex-Immigration officials pina-contempt ng Senate panel

    NA-CITE in contempt ng isang Senate panel ang sinasabing “boss” ng corruption scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at tatlong iba pang sangkot na dating opisyal ng Bureau of Immigration (BI).   Kinilala ang mga ito na sina dat- ing Bureau of Immigration Deputy Commissioner Marc Red Mariñas; dating Immigration Special Operetions Communications Unit […]

  • Magkamukha raw kaya papasa na magkapatid: YASMIEN, fan na fan na ni BEA bago pa mag-artista

    MASAYA ang isinagawang red-carpet screening and mediacon para sa upcoming Philippine adaptation ng Korean-drama na “Start-Up PH” sa Robinsons Galleria Cinema 2, dahil maraming kuwento ang mga bumubuo ng cast na most of them, ngayon lamang nagkatrabaho.       Si Yasmien Kurdi ang unang nagkuwento ng tungkol sa pagiging fan daw niya ni Bea Alonzo […]