DOLE nagpaalala: 13th month ibigay bago ika-24 ng Disyembre
- Published on November 30, 2022
- by @peoplesbalita
NAGLABAS na ng guidelines ang Department of Labor and Employment (DOLE) pagdating sa 13th month pay ng mga empleyado, bagay na dapat mabayaran ng employers hanggang bisperas ng Pasko.
Ito ang muling idiniin ng kagawaran, Lunes, sa kalalabas lang nilang DOLE Labor Advisory No. 23, Series of 2022.
“The 13th month pay shall be paid on or before December 24, 2022,” wika ng DOLE sa kanilang advisory.
“No request or application for exemption from payment of 13th-month pay, or for deferment of the payment thereof shall be accepted and allowed.”
Ang naturang alituntunin ay inilabas alinsunod sa Article 5 ng Labor Code of the Philiine at Presidential Decree 851 na nag-oobliga sa mga employers ng pribadong sektor na bayaran ng 13th month pay ang kanilang rank-and-file employees.
Sasaklawin nito ang lahat ng nabanggit anuman ang posisyon o employment status basta’t “nakapagtrabaho ng hindi bababa sa isang buwan ng calendar year.”
Ibibigay din ito sa rank-and-file employees na:
binabayaran sa “piece-rate basis”
fixed o guaranteed wage plus comission
may multiple employers mga nag-resign o tinanggal
nasa maternity leave
mga nakakukuha ng salary deferrential
Para i-compute ang 13th month, i-add ang kabuuang halaga ng sahod/sweldong nakuha sa buong taon at i-divide ito sa 12 (buwan). Hindi pwedeng bumaba riyan ang 13th month.
“The minimum amount shall be given without prejudice to existing company practice or policy, employment contract or collective bargaining agreement (CBA) if any.”
“Compliance with the 13th-month pay shall be enforced b the appropriate DOLE Regional/Field/Provincial Office having jurisdiction over the workplace in accordance with the prescribed rules and regulations.”
Ngayong buwan lang nang sabihin ng DOLE na inaaral na nila kung maaaring bigyan ng subsidyo ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) para mabayaran nila ng 13th month ang kanilang mga manggawa.
Taong 2021 lang nang iulat ng kagawarang umabot sa 1,300 kumpanya ang bigong makapagbigay ng naturang benepisyo, na isang paglabag sa batas. (Daris Jose)
-
‘The Conjuring’ unveils final trailer of ‘The Devil Made Me Do It’
THE true case that proved the Devil was real. Warner Bros. Pictures unveils the final trailer of “The Conjuring: The Devil Made Me Do It,” based on the shocking true story of demonic possession, from the case files of Ed and Lorraine Warren. Check it out below and watch “The Conjuring: […]
-
Fuentes handa nang pumalo
PUMASOK na bilang Lady Spiker ang Fil-Am volleybelle na si Jade Fuentes nang mag-umpisa na sa online class sa De La Salle University nitong Miyerkoles. Masaya sa kanyang unang salang bilang kolehiyala ang 17- anyos na atleta at ipinaskil pa sa kanyang Twitter account ang saloobin. “Finally starting my first day of college […]
-
Ads January 6, 2022