DOLOMITE BEACH, MULING MAGBUBUKAS
- Published on June 11, 2022
- by @peoplesbalita
INAASAHAN ang muling pagbubukas ng Manila Bay Dolomite Beach sa mismong Araw ng Kalayaan sa June 12,2022.
Kaugnay nito, puspusan na rin ang paghahanda para sa muling pagbubukas kung saan tuluy-tuloy ang ginagawang paglilinis sa Dolomite beach.
Mapapansin din ang ilang mga tumpok ng white sand na inaasahang ilalatag dito
At bukod sa kontrobersyal na Dolomite Beach, may bagong atraksyon dito sa Roxas Boulevard.
Ito ay ang World War II Heritage Cannon sa bahagi ng Remedios Street, o tapat ng Rajah Sulayman Park. (Galing sa Fort Drum Island ang kanyon).
Pormal namang inilunsad ang kanyon sa Independence Day.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources o DENR, sa pagbubukas muli ng Dolomite Beach ay mahigpit pa ring paiiralin ng health protocols kontra COVID-19.
Paalala sa publiko na magsuot pa rin ng face mask, at hangga’t maaari ay fully vaccinated na.
Aabot lamang sa 1,500 hanggang 3,500 na katao ang maaaring makapasok sa Dolomite beach sa tukoy na mga oras. (GENE ADSUARA)
-
Coronation night ng Miss Universe PH 2021 sa September 25, hindi matutuloy; YBONNE ORTEGA, COVID-positive kaya 28 na lang ang candidates
HINDI matutuloy sa September 25 ang coronation night ng Miss Universe Philippines 2021. Sa kanilang Facebook page, hinihintay na lang daw ng MUP organization ang final approval mula sa IATF para maging maayos ang ligtas ang pag-stage ng kanilang coronation night. “Let’s do this, Universe! Frontrow presents Miss Universe Philippines 2021 […]
-
Titans are smashing through the big screen as “Godzilla x Kong,” filmed for IMAX, arrives on March 30
THE fearsome Godzilla and the mighty Kong are back in action as Godzilla x Kong: The New Empire sees the legendary Titans work together to defeat a mysterious new threat that challenges the existence of Hollow Earth and humanity. Filmed for IMAX, see the larger-than-life creatures lead the fight for this world on the big […]
-
Fernando, binalikan ang mga nagawa ng Bulacan laban sa pandemya
LUNGSOD NG MALOLOS- Binalikan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga maagap na inisyatibo ng Bulacan na naging dahilan upang mapagtagumpayan ang laban sa pandemyang COVID-19 sa ginanap na 11th Joint Meeting of the Response, Law and Order, and Recovery Clusters ng Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 sa pamamagitan ng aplikasyong Zoom kahapon. […]