Donaire hindi daw makakalaban si Gaballo
- Published on March 1, 2023
- by @peoplesbalita
Binigyang linaw ni Nonito Doinare Sr., Ama ni dating Bantamweight world champion Nonito “the Filipino Flash” Donaire Jr. ang kaugnay sa posibleng paghaharap ni GenSan boxer Reymart Gaballo at ng anak nitong si Nonito Doinare Jr.
Ito ay matapos isuko ni Naoya Inoue ang kanyang bantamweight belts.
Dagdag pa ni Donaire Sr. na nagsasanay na sila ni Gaballo dito sa lungsod ng GenSan upang paghandaan ang susunod na engkuwentro nito.
Habang sinabihan naman siya ng kanyang anak na magpapayat raw ito upang hindi makalaban si Gaballo.
Sa paglilinaw ni Donaire Sr., kung sino man ang manalo sa labang Reymart Gaballo at Nawaphon Kaikanha ay labanan nito kung sino rin ang mananalo sa labang Nonito Donaire Jr. at Alexandro Santiago.
Kung matatandaan ay tinalo ni Donaire Jr. si Gaballo via knockout sa kanilang paghaharap noong 2021. (CARD)
-
P6.352 trilyong national budget posibleng pirmahan ni PBBM sa Dec. 20
NAGBIGAY na ng tentative date ang Malakanyang sa nakatakdang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panukalang P6.352 trillion national budget para sa fiscal year 2025. Sa isang text message ni Presidential Communications Operations (PCO) Secretary Cesar Chavez, sinabi nito na ang tentative date para sa pagpirma sa panukalang P6.352 trillion national budget […]
-
Pinay spikers palaban sa Hanoi SEAG
Pinagsamang beterano at bagitong players ang isasabak ng Pilipinas sa women’s volleyball competition ng 31st Southeast Asian Games na idaraos sa Hanoi, Vietnam sa Mayo 12 hanggang 23. Bumabandera sa listahan sina middle blocker Jaja Santiago at outside hitter Alyssa Valdez na parehong may malalim na karanasan sa international tournaments. […]
-
Nadal at Federer magsasanib puwersa sa Laver Cup
NAKATAKDANG magsama sa iisang koponan ang mga tennis star na sina Roger Federer at Rafael Nadal. Nasa Europe team ang dalawa na makakalaban ang ibang mga bansa sa ikalimang edisyon ng Laver Cup. Hindi naman katiyakan kung makakapaglaro ang 40-anyos na si Federer dahil sa tagal ng hindi pagiging aktibo mula […]