Donaire may improvements na ginawa sa rematch nila ni Inoue
- Published on May 26, 2022
- by @peoplesbalita
NANINIWALA si Filipino boxer Nonito Donaire Jr na mas marami na improvements ilang linggo bago ang muling paghaharap niya kay Naoya Inoue sa Hunyo.
Nasa Japan na kasi ang ‘The Filipino Flash’ para sa paghahanda sa laban kay Inoue.
Itinuring kasi na “Fight of the Year” ang laban nilang dalawa noong 2019 kung saan tanging si Donaire lamang ang nagpahirap sa Japanese boxer.
Sinabi pa ng 39-anyos na si Donairea na dapat huwag basta magpakampante si Inoue dahil sa marami na itong binagong teknik.
Mayroong 42 panalo, anim na talo at 28 knockouts si Donaire habang si Inoue ay mayroong 22 wins, walang talo na mayroong 19 knockouts ay idedepensa ang kaniyang WBA (Super) at IBF belts.
Gaganapin ang laban ng dalawa sa Hunyo 7 sa Super Arena sa Saitama, Japan.
-
RTF-ELCAC, hinikayat ang CHR na imbestigahan ang presensiya ng 4 na menor de edad sa ginawang pag-aresto sa Tarlac farmers
HINIKAYAT ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) ang Commission on Human Rights (CHR) na imbestigahan ang presensiya ng apat na menor de edad na kasama sa inaresto sa Tarlac noong Hunyo 9. Sa press conference, hinikayat ni Western Visayas RTF-ELCAC prosecutor Flosemer Chris Gonzales ang CHR na alamin […]
-
LRT 2 East Extension tinatayang magbubukas ngayon April
Inaasahang magsisimula ang operasyon ng Light Rail Transit Line 2 East Extension sa darating na April 27, 2021 matapos ang ginagawang dalawang (2) estasyon. “Rail commuters coming from and to the east side of Metro Manila will soon experience a more convenient travel as the two (2) additional stations of the LRT2 Line […]
-
Pinas, isusulong ang negosasyon sa China ukol sa Malampaya gas fields—PBBM
IPAGPAPATULOY ng Pilipinas ang pakikipag-usap sa China kaugnay sa inaangkin na Malampaya natural gas fields. Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagay na ito sa pagtatapos ng kanyang five-day visit sa Washington, araw ng Biyernes, (Manila time). Aniya pa, ang dalawaang bansa ay “slowly inching towards a resolution” hinggil sa pag-angkin sa Malampaya natural […]