Donaire, negatibo sa confirmatory test; umaasang tuloy ang Rodriguez bout
- Published on December 16, 2020
- by @peoplesbalita
Umaasa si dating four-division world champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire na matutuloy na ang sagupaan nila ni Puerto Rican boxer Emmanuel Rodriguez.
Ito’y makaraang lumabas ang resulta ng kanyang confirmatory test na nagnegatibo ito sa COVID-19.
Ayon kay Donaire, kinailangan niya at ng kanyang asawa at manager na si Rachel na sumailalim sa isa pang test dahil duda sila sa lumabas sa inisyal na COVID-19 test.
“We asked for a confirmatory test to make sure I was positive. They said NO. So I had to pay to get one done,” saad ni Donaire sa Twitter.
Nakatakda sanang harapin ni Donaire si Rodriguez para sa bakanteng WBC crown sa Disyembre 19 sa Mohegan Sun Arena sa Connecticut.
Ngunit matapos na magpositibo sa deadly virus, sinasabing umatras si Donaire sa laban at posibleng palitan ng isa pang Pinoy na si Reymart Gaballo (23-0, 20 KOs) sa Showtime main event.
Huling tumuntong sa ibabaw ng ring si Donaire (40-6, 26 KOs) noong Nobyembre 2019 kung saan natalo ito sa kamay ni Japanese superstar Naoya Inoue sa bantamweight final ng World Boxing Super Series.
-
MAXINE, nilinaw na ‘promise ring’ at ‘di ‘engagement ring’ ang niregalo ng non-showbiz boyfriend
IN love ngayon si Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina sa isang non-showbiz guy. Ang name ng guy na nagpapasaya sa kanya ay Timmy Llana. June 2020 nang i-reveal ni Maxine ang relasyon niya kay Timmy na isang diving instructor. Noong December 2020 nag-celebrate sila ng kanilang first anniversary kunsaan binigyan […]
-
Binigyan ng send-off party bago pumuntang Uganda: HERLENE, magta-Tagalog sa mga interviews sa ‘Miss Planet International 2022’
Sinabi pa ni Herlene na magta-Tagalog daw siya sa mga gagawing interviews sa kanya sa naturang pageant. MULING nagpakilig ang JulieVer loveteam sa social media. Pinakita kasi ni Rayver Cruz na very supportive boyfriend siya sa pagpayag nitong maging modelo sa bagong collection ng clothing line ni Julie Anne San Jose […]
-
ECC nag-aalok ng tulong sa mga manggagawang nasugatan, nagkasakit, at namatay sa linya ng tungkulin
MAAARING humingi ng karagdagang tulong pinansyal mula sa Employees’ Compensation Commission ang mga manggagawa sa gobyerno, self-employed individuals, mga katulong sa bahay, at mga sea-based overseas workers sa pamamagitan ng Employee’s Compensation Program nito. Sinabi ni Employees’ Compensation Commission OIC-Executive Director Engr. Jose Maria Batino, ang mga manggagawang kwalipikado para sa tulong mula […]