Donaire target ang rematch kay Inoue
- Published on December 14, 2021
- by @peoplesbalita
Nakatuon na ngayon ang atensiyon ni Filipino WBC Bantamweight World champion Nonito Donaire Jr na makaharap muli si Japanese unified bantamweight champion Naoya Inoue.
Ito ang naging pahayag ng “The Filipino Flash” matapos ang matagumpay na pagdepensa ng kaniyang titulo laban kay Reymart Gaballo.
Pinatumba kasi ni Donaire si Gaballo sa loob lamang ng ikaapat na round kung saan natikman nito ang unang pagkatalo.
Matapos ang panalo ni Donaire ay bumuhos ang pagbati mula sa kaniyang mga fans at kapwa boksingero.
Dagdag pa ng 39-anyos na si Donaire na napag-aralan nilang mabuti ang kahinaan ng kalaban na ang tinarget ay ang kaniyang katawan.
-
Globe at SPEEd, solid pa rin ang partnership para sa ika-7 edisyon ng ‘The EDDYS’
TULUY-TULOY pa rin ang kolaborasyon ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) at Globe para sa taunang pagbibigay-parangal ng The EDDYS. Ngayong 2024, muling magsasanib-pwersa ang SPEEd at leading telecom sa bansa Globe para sa ika-pitong edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na gaganapin ngayong Hulyo. Inaasahang mas magiging malaki at mas exciting ang […]
-
Balik ECQ ang NCR simula Aug.6 hanggang Aug.20 – IATF
Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR) simula August 6 hanggang 20, 2021. Ito ay dahil pa rin sa banta ng COVID -19 delta variant na nakapasok na sa bansa at naitala na ng Department of […]
-
Mga nabigong maghain ng kanilang Income Tax Return, maparurusahan- Sec. Dominguez
SINABI ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na maaari nang parusahan ang mga taong nabigo na maghain ng kanilang income tax returns sa ilalim ng umiiral na tax regulations. Matatandaang, inalis lamang noong 1992 ang probisyon ukol sa pag-exempt na maparusahan o pagmultahin ang mga taong nabigong makapaghain ng income tax returns. […]