Donaire tutok sa training camp
- Published on December 10, 2020
- by @peoplesbalita
Todo ensayo na si Nonito “The Filipino Flash” Donaire ilang araw bago ang pagbabalik-aksyon nito kontra kay Puerto Rican Emmanuel Rodriguez sa Disyembre 19 (Disyembre 20 sa Maynila) sa Mohegan Sun Arena sa Montville, Connecticut.
Kabilang sa mga tinututukan ang diet ni Donaire upang matiyak na tama ang nutrisyong nakukuha nito sa kanyang mga kinakain.
Bago magsimula ang training camp, naglalaro sa 127 hanggang 130 pounds ang kanyang timbang ngunit mabilis itong napababa ni Donaire sa catch weight na 118 pounds.
Sumailalim din sa ma-titinding sparring sessions ang 38-anyos Pinoy pug upang masiguro na siyento por siyento ang kahandaan nito bago sumalang sa laban.
Iniiwasan ni Donaire na matulad kay World Boxing Council (WBC) champion Nordine Oubaali na magugunitang tinamaan ng COVID-19 dahilan upang maudlot ang kanilang paghaharap.
Nakatakda sana ang laban nina Donaire at Oubaali sa Disyembre 12 subalit ipinagpaliban ito dahil sa sitwasyon ng French boxer.
Idineklara ng WBC bilang world champion “in-recess” si Oubaali.
Naging kapalit ni Oubaali si Rodriguez bilang kalaban ni Donaire.
-
Mahigit sa 879,000 namatay, naitala para sa taong 2021
ITINUTURING ng Commission on Population and Development (PopCom) na “deadliest” sa kasaysayan ng Pilipinas ang naitalang 879,000 filipinong namatay noong 2021. Sinabi ni PopCom executive director, Undersecretary Juan Antonio Perez III na ang kabuuang 879,429 na namatay na filipino ay batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong nakaraang taon. […]
-
Matapos sibakin sa puwesto ang 6 na opisyal ng BOC dahil sa smuggling sa asukal: Balasahan sa BOC, posible
MALAKI ang posibilidad na magkaroon ng balasahan sa BoC kapag may lumabas na ebidensiya na may port personnel ang nakipagsabawatan sa mga smugglers gamit ang recycled sugar import permits. Ito’y matapos na may anim na opisyal ng Bureau of Customs (BoC) ang tinanggal sa puwesto sa Port of Subic habang nakabinbin ang imbestigasyon […]
-
3 HVI drug pushers timbog sa buy bust sa Caloocan, higit P1M shabu, nasabat
NASAMSAM ng pulisya ang mahigit P1 milyon halaga ng umano’y shabu sa tatlong tulak ng illegal na droga na listed bilang high value individual (HVI) matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-5:30 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba […]