Doon ang taping ng reality-game show na ‘Running Man PH’: GLAIZA, naging emosyonal nang malamang pupunta sila sa South Korea
- Published on June 22, 2022
- by @peoplesbalita
NAGBIBILANG na ang netizens kung ilang gabi na lamang nilang mapapanood ang magtatapos na hit GMA primetime series na First Lady tampok sina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.
Sunud-sunod na kasi ang mga pangyayari na talaga namang kakabahan ang mga viewers, at naghihintay sila lagi kung ano ang susunod na pasabog. Kaya naman, nag-timeout muna sa mga plot twists at pinasaya kahit ilang oras lamang ang mga netizen.
Ang mga maids nina President Glenn Acosta at First Lady Melody sa palace na itinuturing na nilang pamilya ay nakaisip magpa-impress, nang magbihis sila bilang mga contestants at pumili ng tatanghaling ‘Binibining Kasambahay ng Palasyo 2022.’ Sino kaya kina Kathy, Sioning, Beverly, Norma at Pepita ang mananalo?
Pero ang isa pang inaabangan ay ang tatlong special guests sa serye, ipinakita na si Jestoni Alarcon at sino pa ang dalawang bibisita bago matapos ang serye?
Exciting na rin ang revelation na buhay pa pala si Atty. Ingrid Domingo (Alice Dixson), at pagsasabi na kung sino ang pasimuno ng assassination plot para sa kanya at sa Acosta family.
Napapanood ang First Lady gabi-gabi, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.
***
NAGING emosyonal pala at napaiyak si Glaiza de Castro, nang malamang pupunta sila sa South Korea para doon mag-taping ng reality-game show na Running Man PH.
Nang tanggapin daw niya ang offer ng GMA, akala niya ay dito lamang sa bansa sila magti-taping, kahit na co-production ito ng network at ng Seoul Broadcasting System (SBS).
Sino nga ba naman ang hindi matutuwa, lalo na kung dream mong makapasyal man lamang nang ilang araw sa pamosong South Korea na makikita mo roon ang mga locations ng mga shows at drama series nila na napapanood natin dito sa bansa.
Kaya ngayon ay busy na si Glaiza sa paghahanda ng pag-alis nila ng mga kasamang sina Mikael Daez, Ruru Madrid, Buboy Villar, Liezl Gonzales, Angel Guardian at Kokoy de Santos. Tinapos muna ni Glaiza ang guesting niya sa episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko at recording ng new song niya for Ocre Record PH na iri-release na sa June 24.
Si Ruru ay tinapos na rin ang taping ng adventurous teleserye niyang Lolong, dahil ipalalabas na starting on Monday, July 4, kapalit ng First Lady.
Nagpasalamat din si Glaiza sa blessings and opportunities that comes her way. Sa IG post ni Glaiza nakita siyang tumatakbo sa beach sa kanila sa Baler, Aurora. In preparation na ba niya ito for Running Man PH?
***
NAG-TRENDING ang mainit na eksena nina Zoren Legaspi at Lianne Valentin sa Apoy sa Langit sa GMA Afternoon Prime.
Naging usap-usapan nga ng netizens at viewers ang mainit na eksenang “May Milagrong Ginagawa sa Ilalim ng Mesa,” posted sa official GMA Facebook page. Umabot na nga ito ng 14 million views, sa eksena nina Cesar (Zoren) at Stella (Lianne) na patuloy pa rin ang pagtataksil at pagpapaikot kay Gemma (Maricel Laxa).
Bentang-benta sa netizens ang eksenang ito at pinuri nila ang husay nina Zoren at Lianne sa pagganap sa kanilang mga characters, na labis naman ang pasasalamat na nagugustuhan ang acting nila.
Kaabang-abang na ang mga susunod na eksena dahil mabubuko na ang lihim nina Cesar at Stella. Matatapos na ba ang panlilinlang nila kina Gemma at Ning (Mikee Quintos), na lovers sila at hindi tunay na mag-ama?
Napapanood ang Apoy sa Langit ng Mondays to Saturdays, after Eat Bulaga.
(NORA V. CALDERON)
-
El Niño, maaaring mas tumaas sa April 2024, 63 lalawigan puwedeng maapektuhan – DOST
MAAARING dumating sa rurok o pinakamataas ang El Niño phenomenon sa April ng susunod na taon habang 63 lalawigan ang posibleng makaranas ng matinding tag-tuyot. “The drought will come one month earlier than the previous forecast of May, with two less provinces to be affected,” sinabi ng Department of Science and Technology (DOST). […]
-
International flights ‘wag nang idaan sa Manila – PBBM
HINDI dapat ipilit na dumaan pa sa Manila ang mga international flights na dumarating sa bansa, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa kanyang talumpati sa grand opening ng bagong terminal building sa Clark International Airport sa Mabalacat City, Pampanga, sinabi ng Pangulo dapat dumiretso na ang biyahe sa mga pupuntahang lugar katulad ng Bohol, […]
-
2 ‘tulak’ tiklo sa P224K shabu sa Caloocan at Valenzuela
TIMBOG ang dalawang umano’y tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan at Valenzuela Cities. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles, dakong alas-12:08 ng tanghali nang maaresto ng mga operatiba ng […]