DOT sa mga awtoridad, tugunan ang “excess tourist arrivals” sa Boracay
- Published on April 20, 2022
- by @peoplesbalita
NAGPASAKLOLO na ang Department of Tourism (DOT) sa government authorities matapos na mabigo ang Boracay local government na kontrolin ang bilang ng mga turista.
Lumampas na kasi ang bilang sa kapasidad na dapat lamang sa itinakda sa Boracay sa panahon ng Semana Santa.
Sa isang kalatas, sinabi ng DOT na ipinagbigay-alam nito kapuwa sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nasabing paglabag ng lokal na pamahalaan ng Boracay.
“We continue our coordination with them, especially the DILG which has jurisdiction over the LGU (local government unit), to address this concern and prevent similar incidents from happening in the future,” ayon sa DOT.
Sinasabing, ang bilang ng mga turista na dumating sa Boracay ay umabot sa 21,252 noong Abril 14 at 22,519 naman noong Abril 15— lagpas-lagpas sa 19,215 carrying capacity ng Boracay.
Hanggang sa ngayon ay wala pa ring tugon ang lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan—may hurisdiksyon sa Boracay ukol sa naturang alegasyon.
Ang lalawigan ng Aklan ay nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 1 dahil sa Covid-19 pandemic. (Daris Jose)
-
Pinalakas pa ng Navotas City Hospital (NCH) ang kapasidad nitong magbigay ng libreng dialysis treatment
PARA mapalakas pa ang serbisyo sa mga nangangailangang pasyente, pinalakas pa ng Navotas City Hospital (NCH) ang kapasidad nitong magbigay ng libreng dialysis treatment, kasunod ng pagbabasbas ng walong bagong hemodialysis machine sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Vice Mayor Tito Sanchez at ang mga konsehal ng lungsod. (Richard Mesa)
-
Nievarez planado na laban
BUO ang magiging balak ni Cris Nievarez sa kanyang laban sa pinandemyang 32nd Summer Olympic Games 2020 rowing men’s single sculls ngayong Biyernes ng umaga pa ang opening ceremonies sa alas-8:00 nang gabi (alas-7:00 nang gabi sa Maynila). “Ang goal lang naman is makalapit sa kung sino man ang magli-lead and try to sustain […]
-
Panawagang pagkuha ng drug tests sa showbiz industry, public servants, pinapurihan
PINAPURIHAN ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers si Senador Robinhood Padilla sa panawagan nito sa lahat ng government officials at employees, maging mga kasamahan sa showbiz industry na sumailalim sa drug tests, bilang magandang halimbawa sa publiko. “Atin pong pinupuri si Sen. Padilla sa kanyang position na dapat maprotektahan ang mga […]