• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOT, tinitingnan ang ‘direct flights’ mula Brunei capital patungong Cebu, Clark

TINITINGNAN ng Department of Tourism (DOT) na magkaroon ng direct flights mula Bandar Seri Begawan patungo sa ibang lugar sa Pilipinas at hindi lamang sa kabisera nito na Maynila.

 

 

Sa sidelines ng Philippine Business Forum sa Berkshire Hall, Royal Brunei Polo and Riding Club, sinabi ni DOT Secretary Christina Frasco na pinag-aaralan ng departamento na magkaroon ng direct flights mula Bandar Seri Begawan patungong Cebu at Clark.

 

 

”As of the moment, we do have our local carriers Philippine Airlines and Cebu Pacific that already fly and of course, there’s Royal Brunei Airlines as well, but ‘yung goal po natin, ‘yung connectivity po natin ay hindi lamang papunta sa Manila kung hindi diretso po papunta sa ating mga tourism destinations such as Cebu and Clark,” ayon kay Frasco.

 

 

Tinuran pa nito na makikipagtulungan ang DOT sa Department of Transportation kaugnay sa route development para makamit ang nasabing plano.

 

 

”That’s something that we will work very hard on,” ayon kay Frasco.

 

 

Samantala, sinabi ni Frasco na pinalalakas naman ang Muslim-friendly at halal tourism sa pagitan ng Maynila and Bandar Seri Begawan. Binanggit nito na may mga panawagan na gawing halal-friendly place ang Isla ng Boracay.

 

 

”With this, we are now in talks with Boracay local government unit as well as the Department of Tourism to respond also to the request of our ambassadors to offer halal-friendly tourism in Boracay,” ayon sa Kalihim.

 

 

Samantala, kapwa naman pinirmahan ng Pilipinas at Brunei ang isang kasunduan na naglalayong itaas ang tourist arrivals ng dalawang bansa mula sa world tourist-generating markets at hikayatin ang mas malawak na distribusyon ng mga bisita sa iba’t ibang ‘tourist destinations at attractions’ sa dalawang bansa.

 

 

Taong 2023, nakapagtala ng DOT ng 6,639 dumating na bisita mula Brunei, mayorya sa mga ito ay binisita ang Pilipinas para sa “leisure travel o bakasyon.”

 

 

Matatandaang, ang huling tourism cooperation agreement sa pagitan ng Pilipinas at Brunei Darussalam ay nilagdaan 13 taon na ang nakalilipas. (Daris Jose)

Other News
  • Obiena lumakas ang tsansa sa Olympic gold

    Maaaring lumakas ang pag-asa ni Pinoy pole vaulter Ernest John Obiena para sa ikalawang Olympic gold medal ng Pilipinas sa Tokyo, Japan.     Nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sina American two-time world champion Sam Kendricks at German Chiaraviglio ng Argentina na nagtanggal sa kanila sa kompetisyon.     “We are saddened to confirm that […]

  • Biden inimbitahan si Marcos sa White House

    INIMBITAHAN umano ni US President Joe Biden si Pangulong Ferdinand “Bongbong’ Marcos Jr. na bumisita sa Washington.     Ito ang sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez kahapon.     Wala pa namang pinal na eksaktong schedule na itinakda sa pagtungo ni Marcos sa Estados Unidos.     Kinumpirma rin ni […]

  • Malakanyang, pinayuhan ang mga employer na magtalaga ng health safety officer sa kanilang work place

    UMAPELA ang Malakanyang sa mga nagmamay-ari ng kumpanya na gumawa ng kaukulang hakbang para masiguro na nagagawa ang pag- iingat sa kanilang work place.     Ang apela ng Malakanyang ay ginawa sa harap ng nagpapatuloy na pagsirit ng mga nadaragdag na kaso ng COVID 19.     Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet […]