DOTr: Central command center para sa mga road accidents binuksan
- Published on February 9, 2022
- by @peoplesbalita
Inilungsad ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) ang central command center para sa mga road related accidents at motor vehicle crimes.
Kasama rin inilungsad ang bagong mobile app na tinawag na CitiSend na isang incident reporting mobile kung saan puwedeng ipagbigay alam ang mga road accidents at motor vehicle crimes na naganap.
“Motorists and the general public who want to report crimes and other incidents involving vehicles can report it to the C3 through mobile app CitiSend, which can be downloaded at Google Playstore and AppStore,” saad ni Tugade.
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade na sa tulong imprastrukturang ito, kapag ginamit ang CITiSend app ay magkakaron ang mga motorista ng direktang ugnayan sa LTO kung saan bibigyan ng solusyon at atensyon ang mga pangyayari na nakakaapekto sa seguridad ng publiko.
“A technical innovation design to ensure road safety and awareness nationwide, the LTO C3 will serve as a central nerve of the agency’s Operations and Law Enforcement Service in which surveillance monitoring, coordination and alarm monitoring shall be performed in accordance with agency’s mandate under Republic Act 4136 entitled, an Act to Compile the Laws Relative to Land Transportation and Traffic Rules, to create a Land Transportation Commission and other Purposes,” wika ni Tugade.
Magsisilbi rin ang C3 bilang isang pinasanib na puwera ng LTO at Philippine National Police (PNP) Operations at Control Center sa pagpapatupad ng Republic Act No. 10883 o ang tinatawag na “New Anti-Carnapping Act of 2016,” Republic Act No. 11235 o di kaya ay ang tinatawag na “An Act Preventing Penalizing the Use of Motorcycles in the Commission of Crimes by Requiring Bigger, Readable and Color-Coded Number Plates and Identification Marks and for Other Purposes.”
Maari ipagbigay alam sa C3 ang mga tungkol sa lost, damaged o di kaya ay nawalang license plates, ninakaw na sasakyan, at paggamit ng isang sasakyan sa paggawa ng krimen at aksidente sa langsangan.
Sinabi naman ni LTO assistant secretary Edgar Galvente ang kahalagahan ng C3 na ayon sa kanya ay isang flagship progam ng LTO na kanilang isinakatuparang itayo upang mabigyan ng lakas ang lahat ng mamayan na gumagamit ng ating kalsada at lansangan sa pagsugpo ng road accidents at krimen sa bansa.
Ang LTO C3 ay nakalagay sa ika-apat na palapag ng LTO central office sa East Avenue, Quezon City. LASACMAR
-
25K trabaho sa mga Pinoy sa Japan binuksan
NASA 25,000 job opportunities ang iniaalok para sa mga Pilipino na naghahanap ng trabaho sa Japan, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW). Ang special job fair ay ay gaganapin sa Agosto 1, 2024 sa Robinsons Galleria Ortigas sa Quezon City alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon na inorganisa ng […]
-
9 Valenzuelano Centenarians nakatanggap ng cash incentives
SIYAM na centenarian na kinakatawan ng kanilang mga kamag-anak ang nakatanggap ng cash incentives mula sa Pamahalaang Lokal ng Valenzuela bilang pagkilala sa kanilang mahabang buhay na nakaukit sa kasaysayan ng Lungsod. Ang lokal na pamahalaan ay namimigay ng cash incentives sa mga centenarian na residente ng lungsod mula noong 2016 sa bisa ng […]
-
Posible kayang gawin niya ang movie version?: VILMA, sobrang nagandahan sa stage play na ‘Grace’
BIGLAAN kaming isinama ng kaibigan at kapwa-Vilmanian na si Jojo Lim para manood ng stage play na “Grace” na ginanap sa Power Mac Spotlight Theatre sa Ayala Malls Makati Circuit. In fairness, super ganda ang dula, hindi nakaka-antok at walang itulak-kabigin sa mga nagsipagganap tulad nina Shamaine Buencamino, Stela Cañete at marami pang iba […]