DOTr: Completion ng Edsa Busway malapit na
- Published on July 27, 2020
- by @peoplesbalita
Dumating na ang karagdagang concrete barriers upang gagamitin sa EDSA Busway na ilalagay sa dedicated na lane para sa mga buses.
Simula noong July 18 ay nagsimula ng magdatingan ang mga concrete barriers na ilalagay sa inner lane ng EDSA upang mas maging mabilis ang travel time ng mga commuters.
“The continuous development of EDSA busway shows the Department of Transportation ‘s (DOTr) commitment to provide commuters with an efficient and safe transport mode amid the current health crisis affecting the country,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.
Ayon sa kanya ay pinabilis ng DOTr ang delivery ng concrete barriers sapagkat nagsimula na ng interim operations nito. Kinakailangan na siguraduhin na ligtas at maayos ang mga busway para sa mga commuters. Dagdag pa ni Tugade na ayaw nilang biguin ang mga kababayan lalo ngayon na mas dumarami ang naikikinabang sa benepisyo nito.
Sa kabuohan, ang DOTr ay mayron nang 36,000 na concrete barriers na siyang ilalagay upang paghiwalayin ang bus lanes na siyang nakalagay sa innermost lanes ng EDSA.
“A total of 9,000 units will be initially delivered from July 18 to 22, 2020, while the other 27,000 units will be delivered in three parts (9,000 units each delivery) every after 15 days,” wika pa rin ni Tugade.
Dahil sa transparent at efficient na procurement process, ang pamahalaan ay nakatipid ng P16.2 million. Ang bawat barrier ay nagkakahalaga ng P4,200 kada piraso, kumapara sa P4,750 kada piraso na approved budget ng Inter-Agency Technical Working Group based sa mag binigay na initial na quotations ng mga contractors.
Nagawa rin ng DOTr na pabilisin ang expected delivery period ng barriers mula sa 155 days ay naging 72 days na lamang.
Nangako rin ang DOTr na kanilang ilalagay kaagad ang mga barriers kapag nadeliver na ang mga ito.
Ang EDSA Busway ay isang pinagsanib na proyekto ng DOTR, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kasama ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Naglalayon ang EDSA Busway na mabawasan ang travel time mula sa Monumento, Caloocan papuntang Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na dating 2 oras hanggang 3 oras at sa ngayon ay 45 minutes hanggang 1 oras na lamang.
Noong nakaraang July 1, 2020 ay nagkaron ng interim operations ang EDSA Busway upang gamiting ng 550 authorized bus units. (LASACMAR)
-
PBBM, inaprubahan ang P27.92-B project para sa ‘resilient at responsive’ healthcare system
INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang flagship program na muling magtayo ng ‘resilient at responsive’ healthcare system ng Department of Health’s (DOH). Ang programa ng Pilipinas, tinawag na Health System Resilience Project, Phase 1, naglalayon na gawing mahusay ang ‘health emergency prevention, preparedness, and response’ sa mga vulnerable areas sa bansa. Bilang […]
-
Robert Pattinson Teases a Brand New Version of the Caped Crusader in Matt Reeves’ ‘The Batman’
WARNER Bros. is set to introduce a brand new version of the iconic DC hero in the upcoming film The Batman directed by Matt Reeves. So, the DC fans shouldn’t expect Robert Pattinson’s version of the Caped Crusader to be a straight-up hero. Pattinson’s Bruce Wayne/Batman will be joined by Zoë Kravitz‘s Selina Kyle/Catwoman, […]
-
Malakanyang, pag-aaralan ang napaulat na donasyon ng di umano Çhinese spies
PAG-AARALAN ng Malakanyang ang napaulat na donasyon ng di umano’y Chinese spies sa dalawang police forces at isang local government unit (LGU). ”As of now, pag-aaralan po natin ‘yan kung ito po ay naging donasyon in good faith, kailangan po talaga natin malaman dahil hindi naman po masama tumanggap ng donasyon,” ayon kay Press Officer Undersecretary […]