DOTr: EDSA busway binigyan ng P212 M budget para sa modernization
- Published on September 16, 2022
- by @peoplesbalita
GAGASTUSAN sa darating na taon ng Department of Transportation (DOTr) ang modernization ng EDSA busway na nagkakahalaga ng P 212 million.
May mga mungkahi na dapat ng ibigay sa pribadong sektor ang pangangalaga ng EDSA busway subalit walang resolusyon na inilalabas pa ang DOTr para sa pagsasapribado nito.
Gagamitin ang nasabing pondo sa pagbili at paglalagay sa EDSA busway ng karagdagan traffic signals, security at janitorial services. Kasama rin sa pondo ang pagkakabit ng karagdagan station timers na siyang magbibigay ng signal sa mga drivers kung gaano sila dapat tumatagal sa isang istasyon.
Napag-alaman ng DOTR na ang pagsisikip sa EDSA busway at pagkakaroon ng mahabang pila ay ang pagtatagal ng mga buses sa mga designated na istasyon at bus stops.
Ang pamahalaan sa ilalim ng DOTr ay gumastos ng kabuuang P738 million para sa development at improvement ng EDSA busway.
Noong 2020, gumastos ang ahensiya ng P155 million upang ibili at ilagay ang 36,000 concrete barriers upang magkaroon ng exclusive lane ang mga buses sa EDSA.
Gumastos din ang DOTr ng P33 million para sa civil works ng mga naunang istasyon noong 2020 at P77 million naman para sa karagdagang istasyon noong 2021. Ganon din noong 2020, nakakuha ng pondo ang DOTr para sa pagtatayo ng isang project management office na nagkakahalaga ng P473 million upang ito ang mamahala sa nasabing proyekto.
“We also deployed the financing for retrofitting of existing stations, such as the expansion of stations and installation of lifts, CCTV, solar panels and bus times,” wika ni DOTr Secretary Jaime Bautista.
Sa ngayon, ang EDSA busway ay maaaring magkaroon ng 550 units kung saan maaaring makadaan sa exclusive lane ang mga buses. Naitalang may 335,471 na mga commuters ang nabigyan ng serbisyo ng EDSA busway.
Ayon naman sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may plano ang ahensiya na dagdagan pa ng 100 units ang gagamit ng EDSA busway upang maging 650 ang kabuuang bus units na gagamit nito. Magkakaroon naman ang DOTR ng expansion project sa EDSA busway upang itaas ang passenger capacity nito sa 500,000 kada araw.
Sumangayon naman si Bautista na kailangan ngayon pa lang ay pag-aralan na at magkaroon ng negotiation sa pribadong sektor ang pamamahala ng EDSA busway sa pamamagitan ng public-private partnership (PPP) upang makamtan ng mga pasahero ang mas angat na serbisyo.
“The result of this possible joint venture could serve as a prototype for other PPP endeavors in various modes of transport,” dagdag ni Bautista. LASACMAR
-
Mukhang sigurado na sa pagbabalik sa Maynila: ISKO, tatakbong muli at kakalabanin si Mayor HONEY
SIGURADO na raw ang pagbabalik ni Isko “Yorme” Moreno sa pulitika at sa siyudad ng Maynila. Tatakbong muli ang dating alkalde ng Maynila na tumalo sa nakaupong mayor noon na si Erap Estrada. Supposed to be sa senado ang puntirya ni Yorme pero biglang nag-decide siya na babalikan ang pamumuno […]
-
PBBM, susuriin ang memo circular hinggil sa term of office ng ilang gov’t officials
NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na susuriin nitong mabuti ang memorandum circular kaugnay sa ‘term of office’ ng ilang government officials. Sa isang panayam matapos dumalo sa 49th Founding Anniversary ng Career Executive Service Board (CESB), sinabi ni Pangulong Marcos na nais niyang tugunan ang mga usapin na may kinalaman sa ilang […]
-
No garage, no car’ sa Metro Manila, 9 probinsya, isinulong
ISINUSULONG ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pag-obliga sa mga may-ari ng sasakyan na magpakita ng pruweba na mayroon silang garahe bago sila makapagparehistro ng sasakyan sa Land Transportation Office (LTO). Ayon kay Villanueva, ito ay para matigil ang pag-park ng mga sasakyan sa gilid ng kalsada na nagdudulot ng matinding pagsisikip […]