DOTR: GAOR ng PMVICs IHINTO MUNA!
- Published on August 28, 2021
- by @peoplesbalita
“Hold in Abeyance” yan ang order ng DOTr sa LTO at “conduct immediate and exhaustive review of the policy”ng GAOR. Pero hindi kusang loob pinahinto ito ng DOTr. Ito ay matapos ng sunud-sunod na batikos buhat sa mga motoristang apektado at maging mga transport groups tulad ng 1- UTAP.
Nagpahayag din ang ilang mga government officials ng pag laban dito. Matinding binanatan ni Sen. Grace Poe ang GAOR sa kanyang privilege speech pero tulad ng sinabi ni Sen. Ralph Recto “it might rise again from the dead”.
Dapat bukod sa review ng polisiya ay magimbestiga din ang kalihim ng DOTr sa kung sino ang pasimuno ng malasadong polisiya ng GAOR na nilabas ng LTO.
Hindi ba yan dumaan kay Sec. Art Tugade bago inilabas? Si Usec Artemio Tuazon at si LTO Chief Edgar Galvante lang ba ang may pakana nyan? Hindi katanggap tanggap na pagkatapos pahirapan ng higit sa dalawang linggong pagpapatupad ng GAOR ang mga motorista ay magpapapogi ka na hold in abeyance muna at pag-aralan ng maigi ang GAOR. Pinalusot ba ito? Bakit hindi muna mag public hearing ang LTO at DOTR bago maglabas ng polisiya at hindi yun pag matindi ang latay ng batikos ay babawiin bigla.
Marahil ay dapat na rin magsalita ang mga operator ng PMVIC. Paano sila naenganyo na pumasok sa negosyong ito? Sa totoo lang hindi biro ang investment na ibinuhos ng mga ito para mag put up ng PMVIC. Sino kausap nila sa DOTr?
Sa ngayon ay pasalamat tayo sa mga nakipaglaban para mapatigil ang kontrobersyal na GAOR.
Ang usapin ng PMVIC ay hindi mananahimik hanggat walang napapanagot dito, kung hindi sa panahon ng administrasyong ito ay sa susunod. Kaya sa mga taga transport sector suportahan niyo ang mga taong handang ipaglaban ang hanay niyo at hindi yung mga magpapanatili ng mga polisiyang nagpahirap sa inyo. (Atty. Ariel Enrile – Inton)
-
Sa isang nakadudurog sa puso na episode: SANYA, pinuri ng maraming netizen dahil sa mahusay na pagganap
MULA sa pagiging hardcourt heartthrob ay nag-full time na sa kanyang showbiz career si Prince Carlos. After ma-launch bilang isa sa Boys of Summer ng Sparkle, sunud-sunod ang projects ng future Kapuso leading man. Kabilang sa mga ginagawa ni Prince ay ang isang special episode with Roxie Smith para sa 3rd anniversary ng […]
-
Zack Snyder’s ‘Army of The Dead’ Unveils Poster Ahead of Trailer, Set May 21st Release at Netflix
WORLDWIDE fans of SNYDER were given a special treat last week with the release of the full trailer for Zack Snyder’s Justice League. It featured Jared Leto’s Joker, giving life to the “We live in a society…” meme. Now, the director drops more details for his other upcoming film, Army of The Dead, including […]
-
Pinoy boxer Eumir Marcial umaasa pa rin ng suporta sa ABAP sa pagtungo nito sa US
HINDI pa tiyak ni Philippine national boxer Eumir Felix Marcial kung suportado ito ng Association of Boxing Alliance in the Philippines (ABAP) sa pagsisimula na ng kaniyang ensayo para sa mga professional fights. Nasa US na kasi si Marcial kung para makipagkita kay boxing coach Freddie Roach, at American matchmaker Sean Gibbons. Nais […]