DOTr humihingi ng P19.8 B na budget para sa road transport sector
- Published on October 9, 2021
- by @peoplesbalita
Humihingi ng P19.8 billion ang Department of Transportation (DOTr) sa Senado upang maponduhan ang mga proyekto sa road transport sector na gagawin sa buong bansa sa susunod na taon.
Noong nakaraang committee meeting sa finance ng Senado, naghain ng proposal ang DOTr para sa kanilang 2022 budget kung saan nila hiningi ang tulong ng mga Senador upang mabigyan ng alokasyon ang hinihingi ng DOTr na budget.
“That is why we are asking for your help in the Senate that the budget be changed and raised because this is important and needed by drivers, operators and passengers, especially this time of pandemic,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.
Kamakailan lamang ang DOTr ay humingi din ng tulong mula sa House of Representatives upang ipagpatuloy ang pagbibigay sa mga drivers at operators ng public utility vehicles (PUVs) ng tulong sa pamamagitan ng service contracting program.
Hiningi nila ang tulong ng House of Representatives matapos na ang mungkahi nila na P10 billion na alokasyon para sa service contracting program ay hindi pinayagan ng Department of Budget and Management (DBM) na ibigay sa susunod na taon.
Para naman sa locally funded na proyekto sa road sector, ang DOTr ay humihing ng budget na P13.2 billion habang ang hinihingi nila para sa mga proyektong foreign-assisted ay nagkakahalaga ng P6.61 billion.
Ang hinihingi nilang alokasyon para sa local road projects na ilalaan para sa programa ng service contracting ay P10 billion, P1.5 billion para sa active transportation infrastructure at related programs. Naghain din sila ng proposal para sa alokasyon ng programa ng PUV modernization na nagkakahalaga ng P800.71 million at P472.97 million na ilalaan sa proyekto ng EDSA Busway.
“Also included is P125.91 million for the Makati-BGC Greenways, P40 million for the feasibility study for the Ilocos Norte Transport Hub, P10.71 million for Taguig City Integrated Terminal Exchange, and P100 million for feasibility study for the Bataan Bus Rapid Transit,” dagdag ni Tugade.
Naghain din sila ng mungkahi na bigyan sila ng alokasyon na gamitin bilang counterpart funding sa foreign-assisted projects tulad ng EDSA Greenways Project (P243.47), Davao High Priority Bus System (P3.59 billion), Cebu Bus Rapid Transit Project (P2.47 billion) at ang Metro Manila BRT Line project- Quezon Avenue (P300 million).
Samantala, inihayag noong nakaraang buwan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na muling tuloy na ang pagbibigay ng libreng sakay para sa mga frontliners, medical workers at mga pasahero na sasakay sa mga PUVs dahil sa tuloy na ulit ang programa sa service contracting (SCP) ng pamahalaan.
Ito ay dahil sa mayrong natitira pa na P3 billion na alokasyong pondo sa 2021 General Appropriations Act ang nakalaan para sa ikalawang yugto ng SCP ng pamahalaan.
Ang nasabing programa ay nahinto dahil noong nakaraang July ay nag expire ang pondo para sa SCP na nasa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act. LASACMAR
-
Pagtataas ng PUV passenger capacity pinag-aaralan
Pinag-aaralan ng Department of Transportation (DOTr) ang gagawing malaking pagtataas ng porsiento para sa passenger capacity ng public utility vehicles (PUVs) dahil na rin sa pagkakaron ng maluwag na quarantine protocols na ngayon ay pinaiiral sa Metro Manila. Sa kasalukuyan, ang passenger capacity ng mga PUVs ay may 50 na porsiento pa […]
-
BI, NAGBABALA KONTRA PEKENG SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) hinggil sa paglaganap ng mga pekeng social media accounts sa Facebook ang mga larawan at impormasyon ng kanilang mga empleyado gamit ang official seal ng ahensiya upang mahikayat ang publiko na makipagtransaksyon sa kanila. Ginawa ni BI Commissioner Norman Tansingco ang babala kasunod ng mga ulat na […]
-
Mga director ng MAHARLIKA INVESTMENT CORP., nanumpa sa tungkulin
APAT na bagong director ng Maharlika Investment Corp. (MIC) ang nanumpa sa tungkulin, araw ng Miyerkules para tumulong na patnubayan ang Maharlika Investment Fund (MIF). Kabilang sa mga nanumpa sa tungkulin ay sina long-time Asian Development Bank (ADB) officer Vicky Castillo Tan, Andrew Jerome Gan, German Lichauco, at Roman Felipe Reyes. […]