DOTr: Isusulong na dagdagan ang kapasidad ng mga pasahero sa pampublikong transportasyon
- Published on June 18, 2021
- by @peoplesbalita
Tinutulak ng Department of Transportation (DOTr) na madagdagan ang kapasidad ng mga pasahero sa mga pampublikong transportasyon mula sa kasalukuyang 50 percent upang mabawasan ang hirap ng nararanasan ng mga pasahero sa pagsakay.
Balak ng DOTr na utay-utay na palawakin ang kapasidad ng mga pampublikong transportasyon tulad ng Public Utility Jeepneys (PUJs) at Public Utility Buses (PUBs) at hihingi ng pahintulot sa mga lokal na pamahalaan at IATF.
“We plan to increase the passenger capacity by five (5) to ten (10) percent at a time, subject to the approval of the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseased (IATF) and local government units (LGUs),” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.
Ayon kay Tugade hindi sapat ang kasalukuyang kapasidad na 50 percent sa mga pampublikong transportasyon. Kailangan na magkaron ng balance tungkol sa pangangailangan ng mga sumasakay at ng ekonomiya habang pinanatili ang siguradong kaligtasan ng mga pasahero.
Pinatutupad ang limitadong kapasidad sa mga pampublikong transportasyon upang mabawasan ang pagkalat ng COVID-19.
Noon pa man ang mga jeepney at bus operators ay gustong ng dagdagan ang kapasidad ng mga pampublikong transportasyon.
“Jeepney and bus operators said that they can do it. We will wait for the approval of the IATF and LGUs,” dagdag ni Tugade.
Samantala, noong nakaraan Biyernes ay nagkaron ng mahabang pila ng mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) sa estasyon ng Ortigas at Ayala dahil na rin sa mga iba’t ibang dahilan.
Kumilos ang DOTr sa pangyayari upang mabigyan ng solusyon ang mahabang pila sa mga rail stations at bus stops
Inutusan ni Tugade ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bigyan pansin ang mga kailangan gawin tungkol sa mahabang pila ng mga pasahero at ng hindi na muling mangyari ang insidente.
Tinawagan ni Tugade ang mga EDSA bus consortium upang dagdagan pa ang bilang ng mga awtorisadong buses na dumadaan sa EDSA sa ilalim ng kanilang kontrata na magbigay ng libreng sakay sa mga pasahero lalo na kung rush hours.
Kung kaya’t nangako ang consortium ng karagdagan 15 modern buses na may left-side doors ang tatakbo sa EDSA Busway route.
“I also called for the deployment of more rescue skip buses to congested EDSA bus stops to pick up passengers, especially during rush hours, as well as the opening of more mini-loops to enable EDSA Busway units to maneuver immediately and get passengers,” saad ni Tugade.
Ang mga mini-loops ay babantayan ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) sa pakikipagtulungan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang masiguro ang magandang daloy ng trapiko.
Sinabi ni Tugade na hindi maiiwasan ang mahabang pila at paghihintay lalo na kung rush hour, weekend, o may mga aksidente at may masamang panahon. (LASACMAR)
-
Pagtiyak ng Comelec sa patas, malinis na halalan sa Pasig sinusugan
SINUSUGAN ng pamilyang makakalaban ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagtiyak ng Commission on Elections para sa patas at malinis na halalan sa lungsod sa darating na midterm elections sa susunod na taon. Sinabi ni Curlee Discaya, asawa ng kilala sa Pasig na Ate Sarah at makakatunggali ni Sotto, na hindi sila konektado […]
-
EDITORIAL P100 per day na wage hike sa Metro Manila inihain ng grupo ng mga manggagawa
NAGHAIN ng petisyon ang mga labor groups para sa P100 arawang dagdag sahod para sa mga manggagawa sa Metro Manila sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB). Ang workers’ organizations ay pinangungunahan ng Kapatiran ng mga Unyon at Samahang Manggagawa. Sinabi ni Kapatiran chairman Rey Almendras na inihain nila ang […]
-
Super League MVP: Alyssa Solomon ng National University
Tinanghal si Alyssa Solomon bilang unang Shakey’s Super League MVP na tumapos sa perpektong title run ng National University noong Sabado sa Rizal Memorial Stadium. Itinaas ni Solomon ang MVP trophy sa harap ng maraming tao matapos pangunahan ang Lady Bulldogs sweep ng De La Salle Lady Spikers, 25-23, 25-20, 25-20, sa winner-take-all final. […]